JAPAYUKI
PART 8
Dumating na kami ng Maynila, nakita ko agad sila Mama. Sabi ko sa asawa ko, huwag niya isasama sina Mama. Hindi nga niya naintindihan ang sinabi ko.
Iyak ako nang iyak, pati si Mama, panay ang iyak. Iyong asawa ko, nakatalikod siya, ayaw niya akong tignan.
"MA!" Pasigaw siyang lumapit sa akin. Niyakap niya ako ng sobrang higpit. Ang laki nang ipinagbago niya, pumayat at maputla ang kulay ng balat ng asawa ko.
"Akala ko, ako lang ang pumanget. Siya rin pala."
Habang nasa sasakyan kami, nag-uusap-usap kami. Sabi ng asawa ko, halos mabaliw daw sila ni Mama nang mabalitaan na nakulong ako. Pumunta rin sila sa agency, halos makipag-away daw sila roon. Lagi raw sagot ng agency, hindi nila alam. Dahil wala raw silang update sa may-ari. Ang sabi rin sa kanila, isang linggo lang daw. Pero tatlong linggo kaming na-detain doon.
Doon ko naisip, hindi pala madali ang buhay sa ibang bansa. Sapalaran kung sapalaran talaga. Para bang nakabaon na ang isang paa mo sa lupa. Dahil hindi mo alam kung buhay ka pang makakauwi ng Pilipinas.
Ngunit, hindi nila naiisip iyong mga bagay na iyon. Hingi nang problema rito, hingi nang problema roon. Hindi man lang mangamusta.
"Siguro naman ay aral na iyong nangyari sa akin para sa pamilya ko. Akala nila bangko ako na medaling maglalabas ng pera, sa tuwing kakailangan nila."
Nasabi ko rin sa sarili ko, kung nasa Pilipinas ako n'on. Hindi ko dadanasin ang mga nangyari sa akin sa Pilipinas. Sobrang hirap maging Overseas Filipino Worker!
BINABASA MO ANG
JAPAYUKI (True-to-life-story)
Não FicçãoBased on true story of an Overseas Filipino Worker (OFW) in Japan.