Part 9: Notebook

3.5K 47 0
                                    

JAPAYUKI

PART 9

Sa kabila nang lahat, nakauwi ako ng ligtas. May binalikang asawa, buo ang pamilya. Nagpapasalamat ako at kinalimutan na ng asawa ko ang ginawa ko noon sa kanya.

Iniregalo ko sa asawa ko ang notebook na ginawa kong diary. Pinabasa ko sa kanya ang lahat ng nakasulat doon. Sa simula ng kanyang pagbabasa, nakita ko ang mga luha na umaagos sa kanyang pisngi.

Niyakap niya ako, "Salamat kay Ama at ligtas ka. Dininig niya ang panalangin namin na makauwi ka at muli ka naming makapiling." Hindi ko na rin napigilan ang luha ko na umagos sa pisngi ko.

Sadyang hindi ako pinabayaan ng panginoon. Sa kabila ng mga kasalanan ko, hindi niya ako pinabayaan kahit na alam ko sa sarili ko na nagkulang ako ng pananampalataya sa kanya.

Hindi lahat ng OFW sa Japan ay laging pasarap ang buhay. Mayroong nagkakamali ng landas na tinatahak, ngunit ang lahat ng iyan, mayroong dahilan kung bakit nangyayari ang mga bagay na iyon.

Tulad nang pangyayari sa buhay ko, lahat na yata ng hirap ay dinanas ko na. Sigurado rin ako na naranasan din ng iilan ang mga naranasan ko. Hindi man Japan, siguro sa ibang lugar.

Marami rin sa atin na nagtatrabaho na sa gabi, trabaho pa rin sa umaga. Dahil gusto nating mabigyan ang ating pamilya ng kaginhawaan. Kaya lahat ay ating gagawin, mayroon lang tayong maipangtutustos sa pamilya.

"Kung magkakaroon ng pagkakataon na makabalik sa Japan. Babalik at babalik ako."

Natutuhan ko sa nangyari sa akin, kailangan ay marunong mangatwiran at lumaban. Hindi iyong sunud-sunuran na lang.

JAPAYUKI (True-to-life-story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon