Chapter Twenty One

19 1 0
                                    


Twenty One



"Ayoko na, tama na!" Sigaw ko. Hindi pa din kasi mawala sa isipan ko ang sinabi niya kani-kanina lang.




"Anak, okay ka lang ba dyan? Bakit nasigaw ka at ang tagal mo dyan sa banyo." Pag-aalala ni nanay Cecil.




"O-okay lang po ako, sandali na lang po at matatapos na din ako." Sabi ko. Naliligo ako ngayon at napatagal ata ako dahil sa kakaisip sa ngangyari kanina. 




"O sige at bilisan mo na dyan at ipaghahanda ko lang kayo ng makakain sa baba." Sabi ni nay Cecil at narinig kong papalabas na siya ng pinto ng kwarto ko kaya tinawag ko ulit siya nang may maalala ako.




"Ah, nay!" Tawag ko dito.




"O bakit anak?"




"U-umalis na po ba si-" Tanong ko kay nay Cecil pero pinutol din agad nito.




"Yung boypren mo ba? Naku, 'wag kang mag-alala at hinihintay ka niya sa ibaba. May date daw kasi kayo mamaya." Sabi niya. Nagulat naman ako sa sinabi ni nay Cecil. Kami magde-date?




"Hindi ko po siya boyfriend, nay!" Dipensa ko dahil hindi naman talaga kami.




"Ganoon ba? Sabi niya kasi boypren mo daw siya." 




"Naku, nay ganun lang po talaga 'yun. Baliw po 'yun eh." Paliwanag ko kay nay Cecil.




"O sige, bababa na muna ako at bilisan mo na dyan." Sabi niya. Um-oo lang ako at mabilis na ipinagpatuloy ang paliligo.



NANDITO kami ngayon sa ibaba at kumakain ni Xyrus. Si Sabrina kasi sinundo daw ni bakla, pupunta daw sila sa bahay kaya go na go naman si Sab. Siguro naka move on na din sila sa nangyari kahapon. 

AbnormaLove (abnormal love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon