Ako si Dalia Sy nag-mula sa pamilyang marangya ang buhay at isa akong adopted nila grandma dahil nang-galing daw ako sa pamilyang mayaman ayon sa mga naging magulang ‘ko ngayon, tulala ako sa aking kama ngayon hanggang sa katukin ng aking lola ang pinto ng aking silid.
*tok tok*
“Dalia, buksan mo ang pinto may nagha-hanap sa'yo sa baba.”
Oo, 2nd floor itong tinitirhan namin dito sa probinsya matagal na ito sakin binigay daw ito ng mga totoo kong magulang na nag mula sa maynila.
tumayo na ako at binuksan ang kwarto ng aking kwarto.
“Ano pong meron, Lola?”
“Sumama ka sa akin sa baba para malaman mo.”
*Sa salas*
May babae sa salas nakaupo siya, maputi, mahaba ang buhok at naka-pantalon at naka suot ito ng blouse na pink mukhang kakilala ni Lola.
“Ay ito po ba yung inyong apo, Lola teresita?”
“Oo, siya nga. Ano bang maipaglilingkod niya sa‘yo, hija?”
“May gusto lang po sana akong i-alok sa inyong apo, magiging trabaho niya na din po ito sa maynila pero wala po kayong ilalabas na pera ako na po ang bahala sa pamasahe niya papunta roon.”
“Ay ganun ba, sige kayo muna ang mag usap at ipaghahanda ko muna kayo ng meryenda.”
“Sige po, salamat po.”
At pumunta na nga si Lola sa kusina, ganiyan kasi palagi si Lola Lalo na kapag may bisitang nadating dito.
“Hello, Dalia! Ako nga pala si Katelyn yung kapitbahay niyo dito sa probinsya, may gusto lang sana akong i-alok sa'yo na trabaho dahil dun din ako nagta-trabaho ngayon at bilang tulong na rin yun sainyo ni Lola teresita, yun ay kung okay lang ba sa'yo pero wala ka namang ilalabas na pera dito.”
“Pagi-isipan ko pa po ate, pero kung tatanungin ko po kailan po ako pwedeng mag simula?”
“Bukas pwede ka na kung makakapag-desisyon ka na agad ngayon, nandiyan lang naman ako sa kabilang bahay pwedeng-pwede ka pumunta samin kung nakapag-desisyon ka na, pwede din kitang samahan at sakto nandun ang amo namin ngayon at sa maynila din naman yun kaya may pagka-mahal ang sweldo natin dun.”
“Sige po, tatanggapin ko po yang inaalok niyo sa akin na trabaho.”
“Maganda kung ganoon.”
Dumating na si lola at may dala nga siyang meryenda para samin.
“Hija, kumain ka muna bago ka mag-tungo sa inyong bahay.”
“Sige po Lola, salamat po.”
“Lola, pwede po ba kung pupunta muna ako sa kwarto ko may nais lang po akong gawin at nga po pala, pumayag na po pala ako sa offer ni ate Katelyn at pwede na daw po ako mag tungo sa maynila bukas.”
“Magandang Balita apo kung ganun, kung ganun man eh mag-handa ka na para bukas at huwag mong kalilimutan ang inhaler mo baka atakihin ka sa hika bukas.”
“Opo Lola, salamat po.”
“May hika po pala si Dalia, Lola?” tanong ni ate Katelyn kay lola.
“Ay oo, simula kasi nung ihabilin samin yan ng totoong mga magulang niyan ang sabi sakin ay bilhan ko siya ng inhaler kasi hindi naman natin masasabi kung kailan aatake ang kaniyang hika.”
At pumunta na ako sa aking kwarto para mag-handa para bukas, at magpahinga na.
*6:30*
Ala sais na pala ng gabi at ngayon lang ako nagising mula sa pagkakapahinga ko mula kanina, at maghahanda na ako ng mga gamit para bukas.
YOU ARE READING
I have loved you, my love
FanfictionDalia is an adopted girl who comes from a rich family who now lives in the province with the old woman who adopted her, until one day someone offered her to enter a mansion to be a maid with her parents and she will see here the grumpy man who is de...