CHAPTER 1: First Time

7 0 0
                                    

"BRUUUG BRUUUUG!!"

Grabe, ang lakas naman ng kulog na yun! Wala na akong makita sa paligid ko kundi patak nalang ng ulan. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala pa man din akong payong. Nakakabanas talaga!!! Kung kailan pa naman ako sinipag na pumunta sa divisoria mag-isa, tsaka pa umulan nang ganito kalakas.

Ay naku po! Pati cellphone ko, basa na.

"Kung minamalas ka nga naman oh."

Dialling...

"Hello Steph? Hello?! Hello!!? Hoy!!"

"Oh Rain?! Hinaan mo nga yang boses mo. Kausap mo na nga ako sa phone eh. Kairita ka talagang babae ka. Ano bang problema mo at nang-iistorbo ka nanaman?!!"

"Ahhhh. So kasalanan ko pa na stranded ako dito sa divisoria dahil sa lakas ng ulan, at na kailangan ko ng tulong ng isang KAIBIGAN? Salamat ha. Ang bait bait mo talaga eh no?"

"Eh malamang kasalanan mo! Alangan namang isisisi mo sakin? O kay PNoy? Alam mo na ngang ang dami dami nang problema ng Pilipinas tapos ganyan ka sakin at sa presidente natin? Isa pa, akala ko ba RAIN ang pangalan mo? Dapat mahalin mo ang ulan. Stupid. Love yourself girl!"

Hay nako. Ang dami dami nanaman niyang sinabi. Nakakarindi sobra. Pero wala eh, kailangan ko tong tiisin. Ako tong may kailangan sakanya kaya pagtitiyagaan ko nalang. Patience Rain, patience lang. Kaibigan mo yan.

"Isa pa, bakit naman kasi pupunta ka sa divisoria nang walang payong? Shunga ka ba talaga? Alam mo namang tag-ulan ngayon. Tapos na ang summer kaya wag kang pa-easy easy lang dyan--"

"Sabihin mo nalang sakin kung susunduin mo ako o hindi kasi basang-basa na talaga ako dito Steph."

"Oo na. Papunta na ako. Nakakaloka ka! Wait ka lang. Uhm... 10 minutes. Pabasa ka pa ha!!"

"Thank you Steph. Hahaha! Love you talaga."

"Che!"

Yan si Stephanie Mariano. Steph for short. Napakataklesa niyan. Prangka at OA yan magsalita. Nung first time ko ngang nagkaroon ng period, tinawanan niya ako at sinabi niya sa buong klase. Grabe, nakakahiya talaga yung time na yun. Pero kung inaakala niyong sobrang magkaparehas kami, nagkakamali kayo.

Siya kasi yung tipo ng babae na sobra ang hilig sa mga lalaki. Kung may gusto siya sa isang tao, makukuha niya yun kaagad at sobrang easy to get. Naiinis nga ako sakanya minsan eh, grabe kasi yung pagkabaya niya sa feelings niya. Kahit hindi seryoso na relasyon, papasukan niya.

Pero naaalala ko din yung time na sobra ang pagkaheartbroken niya, umiyak siya nang sobra sobra sa harapan ko. Hindi ko nga alam kung anong gagawin ko nun, dahil nga wala akong boyfriend or kahit ano mang experiences diyan sa mga lalaki na yan. Hanggang crush lang naman kasi ako eh.

Sa ngayon, may boyfriend siya pero nag-aaral sa kabilang school. Hindi ko alam kung seryoso ba sila sa isa't-isa pero ang alam ko, madalas silang magkasama. Kahit ganun si Steph ka taklesa at ka-easy to get, susuportahan ko siya at proprotektahan. Mahal na mahal ko yun eh.

Pero sa totoo lang, minsan nagwonder ako kung ano nga ba ang feeling ng inlove. Kaya nga naisip ko din minsan na, 'ano kaya kung magpaka-easy to get din ako?' para mainvolve ako sa relationship tapos malaman ko kung ano yung feeling.

Kaso wala eh. Sabi nga nila sakin, manhid daw ako. Pag Valentines day kasi, yung mga bulaklak na binibigay sa akin ng mga hindi ko kilala na lalaki, tinatapon ko lang. O kaya naman minsan, binibigay ko sa mga nerd sa campus tapos sasabihin kong galing sa secret admirer nila, para naman sumaya naman sila kahit minsan no.

"OH SHIT."

Bigla kong narealize na may kumuha ng bag ko!! Kung minamalas ka nga naman talaga oh.

Sinugod ko yung ulan para habulin yung lalaking kumuha ng pinakamamahal kong jansport bag. Yun na nga lang yung bag ko para sa pasukan tapos kinuha pa. Andun pa yung wallet at cellphone ko. Hindi ako makakapayag. Kailangan ko yun mahabol! Malilintikan ka sa aking lalaki ka!!

"MAGNANAKAW!! MAGNANAKAW!!!!! IBALIK MO SA AKIN YUNG BAG KO!!!!!"

Hinabol ko siya sa divisoria, kahit nagsisigawan na yung mga tao sa paligid namin, patuloy ko padin siyang hinabol at hindi ako sumuko. Bigla kong nakita na meron siyang hawak na kutsilyo. Natakot ako, pero hindi ako tumigil. Kinuha ko yung sapatos ko na converse at ibinato sakanya kaso hindi tumama. Langya naman!!

"OUCH! Aray arayyy!!"

Bigla akong nadulas at nagpadausdos sa semento. Aray! Hindi ko na din makita yung daan!! Hindi ko na siya makita!!! Nasan na yung magnanakaw na yun??! Jusko po.

Sinubukan kong tumayo at habulin yung lalaki kaso hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Halos lahat ng tao sa paligid, nakatingin na sa akin. Naiintindihan ko naman na kaya hindi nila ako magawang tulungan dahil sobrang lakas ng ulan at dahil wala naman silang magagawa. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto kong umiyak at magsisisigaw pero hindi ko magawa.

For the second time around, sinubukan kong tumayo at tumakbo sa kung saan man ako dadalhin ng mga paa ko. But unfortunately, nadulas nanaman ako dahil sa sobrang lakas ng ulan. Wala na akong ibang nagawa kundi pumikit nalang dahil sa sobrang disappointment habang nakaupo ako sa gilid ng kalsada.

"Miss, yung bag mo."

Pagkakita ko sa bag ko, dali dali kong tinignan ang laman nito. Buti nalang hindi nakuha yung wallet at yung cellphone. Bigla kong narealize na sobrang tapang naman ng taong nakakuha ng bag ko. Grabe. Solid! Kailangan kong magpasalamat sakanya nang sobra. Tatanawin ko tong malaking utang na loob.

Pag-angat ko ng ulo ko, wala na siya!! Ha? Nasan na siya? Hinanap ko siya sa paligid ko. At bigla kong nakita ang isang lalaking nakatalikod... palayo sa akin.

"Kuya!!"

Hindi niya ako nililingon. Naririnig kaya niya ako?

"Kuya!!"

This time, tumayo ako and then sinigawan ko siya.

"Hoy kuya! Please look back! Please?!"

He was about 10 meters away from me nung bigla siya lumingon sa akin. He was wearing a hoodie and a white shirt beneath it. Nakablack jeans and rubber shoes lang siya. One more thing I noticed was sobrang tangkad niya. Siguro he's about 6'2" in height. Pero that's the only thing I can recognize since sobrang lakas ng ulan.

So I decided to get closer...

He stood still. And nung malapit na ako sakanya, I realized na I can't see his eyes since natakpan ng hoodie niya yung upper part ng mukha niya, which includes his eyes and nose. I saw his lips and they were very pinkish, or should I say, kissable.

I did the honor of raising his hoodie para makita ko yung mukha niya. My heart beats very fast and I don't know why I feel this way. This is the first time in my whole life na tumibok yung puso ko nang sobrang lakas. I just can't explain the feeling.

He was smiling while I was raising his hoodie when....







"KRINGGGGGG!! KRINGGGGGGG!!!!"

Biglang tumunog yung alarm clock ko.

Tsaka ko narealize na...

"Ay shit! Shit! Shit! Shit!!! Panaginip lang pala??! WAAAAAAAAAAAHUHUHUHUHWAAAAA!!! First time ko na nga lang kiligin tapos panaginip lang pala? HUWAAAAA!!!"

"Oh anak! Gising ka na pala!! Good morning Rain, anak! First day of school mo today, better get ready ha. I love you."


Oh geez.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 19, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Friendzone MasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon