Nagising akong nakaunan sa may dibdib nya habang sya ay nakayakap sakin. Hindi agad ako nakakilos dahil natatakot akong magising ko sya.
Now it really happened, again.
Pinikit ko ulit ang aking mga mata at inayos ko ang pagkakahilig ko sakanyang dibdib, nariring ko ang bawat pintig ng kanyang puso. Sinariwa ko yung nangyari samin kaninang tanghali. Wala syang ibang bukang bibig kundi ang pangalan ko habang kami ay nagiging isa. He kept on moaning my name.
Naramdaman ko ang bahagya nyang pagkilos. Pinilit kong iangat ang sarili ko, gusto kong pagmasdan ang mukha nya.
Mahimbing pa rin ang tulog nya.
Hindi ko napigilang haplusin ang pisngi nya at itrace ng isang daliri ko ang matangos nyang ilong.
Mas lalo syang nagmature physically at mentally. Mababakas sa mukha nya ang maawtoridad. Matapos sa ilong ay ang makakapal nyang kilay ang napagdiskitahan ko. Ang mga kilay na laging magkasalubong pagna-iinis. At ang huli ay ang labi nyang napakasexy kapag ngumingiti.
This man, once in my life naranasan kong mahalin sya at hindi ko alam kung nanaisin ko pa bang mahalin ulit sya.
Then i heard him coughed.
Minulat nya ang kaliwang mata habang nananatiling nakapikit ang kabila.
"Hey..." He said with a husky voice.
I just smiled. Then he coughed again.
Sinubukan kong tumayo pero pinigilan nya ako, mas lalo nyang hinigpitan ang pagkakayakap nya sakin.
"Where d'you think you're going?" Parang inaantok pa na tanong nya.
"I'm gonna get some water for you to drink. Nahawa kana ata sakin" sinalat ng malaya nyang kamay ang noo ko.
"You're wrong. Hindi ako nahawa sayo, nilipat mo lang naman ang sakit mo sakin" nakatawang sabi nya. "Wala ka ng sinat."
Hindi ko na kasalanan yun -_-
"It's already 6pm, hindi ka ba nagugutom? Baka hinahanap na nila tayo sa baba" tanong ko sakanya. Napadako kasi ang tingin ko sa digital clock na nasa ibabaw ng sidetable.
"Sayo palang nabusog na ako. Tsaka hayaan mo nga sila." Mas lalo nya akong hinapit palapit sakanya.
"Tyron..." I warned. "We need to eat, you need to eat...kailangan mong uminom ng gamot para hindi na umabot sa lagnat yan."
"Ok ok..." Tila sumusukong sabi nya. "I'll take a shower bago bumaba."
"S-sige, pagkalabas mo dito maliligo na rin ako."
"Wait." Tila may naisip syang napakagandang ideya. "Sabay nalang tayong maligo."
"N-no..." Agad na tanggi ko.
Nagkasabay kaming lumubas sa bawat kwarto namin. At pareho na kaming bagong ligo. Pero pinatuyo ko muna sa blower yung buhok ko kaya tuyo na yung akin samantalang sakanya ay basa-basa pa.
He tried to hold my hand pero agad ko itong iniwas. Tiningnan nya naman ako ng may pagtataka.
"Ayokong mag-isip sila kapag nakita tayong ganoon Tyron." Formal na sagot ko.
Hindi na sya sumagot sa sinabi ko kaya tahimik nalang kaming naglakad pababa sa dining area ng mansyon. At nagulat kaming pareho sa naabutan namin roon.

BINABASA MO ANG
Kapag ang panget, GUMANDA? [Spell(ASA)]
Romance"Mahirap maging panget" yan ang karaniwang naririnig ko sa mga babaeng nag-gagandahan at nag-se-sexy-han... Huwow, BIG words "mahirap" at "panget" . tss.... Yun ang akala nila, kung magsalita sila ng word na "mahirap" akala mo naranasan na nila. Ak...