Clarize Chua's P.O.V
Lumaki ako sa isang pamilyang nagmamahalan. Kitang-kita ko sa mga mata ng magulang ko kung paano nila tingnan ang isa't-isa na puno ng pagmamahal. Ang ate ko ngayon ay ikakasal na sa lalaking mahal niya at mahal siya. Ang kuya ko naman ay may asawa na at kagaya ni ate, mahal na mahal din nila ang isa't-isa.
Mahilig akong magbasa ng mga libro tungkol sa dalawang taong susubukin ng tadhana ang kanilang pagmamahalan. Mahilig din akong manuod ng mga movies na tungkol sa pag-ibig. Mahilig din akong magbasa ng Wattpad gaya ng ibang kabataan.
At dahil sa mga ito, naging Hopeless Romantic ako.
Gusto kong makatagpo ng lalaking mamahalin ako ng buung-buo. Mamahalin ako kahit sino at ano ako. Yung sinasabihan ako ng mga sweet words. Yung tipong lagi kang ite-text ng mga katagang "kamusta ka na?" , "kumain ka na ba?" , "Kung nasaan ka ngayon, lagi kang mag-iingat. Papakasalan pa kita." , "Anong gusto mong kainin. Bibilhin ko." kahit gabing-gabi na. At higit sa lahat yung katagang pinapangarap ng lahat ng babae. "Mahal na mahal kita." Yung tipong babatiin ako tuwing umaga ng "Good Morning Beautiful" at "Good Night. Dream of Me" naman bago matulog.
Dahil rin sa mga ito, sobrang taas ng expectations ko sa magiging boyfriend ko. Kailangan gwapo, matalino, mabait o di kaya yung cold or bad boy para cool, mayaman, may abs, sobrang gwapo at sobrang gwapo. Teka, nasabi ko na bang dapat gwapo?
See? Sobrang Hopeless Romantic ko. Hindi niyo rin naman ako masisisi dahil lahat naman siguro tayo ay ini-imagine kung ano ang feeling kung sa atin nangyayari ang mga binabasa o napapanood natin. Yung nangangarap tayo na sana ganito din yung mangyari sa atin. Alam ko medyo tinatamaan ka o tinamaan ka talaga. Pero wag ka mag-alala, madami naman tayo eh. Hindi ka nag-iisa kaya normal lang yan.
Ako si Clarize Chua at ito ang buhay ko bilang isang
"HOPELESS ROMANTIC GIRL"