SPECIAL CHAPTER
Umihip ang malamig na hangin na marahang dumampi sa balat ng dalawang taong nakatayo sa ilalim ng lumang waiting shed. Tanging patak lang ng ulan ang nag-iingay, walang gustong magsalita sa dalawa, hanggang sa inabot ni Ghon ang nakatuping papel kay Brayle.
Hindi malaman ni Brayle kung anong dapat niyang gawin. Tatanggapin ba niyo o hayaang si Ghon ang mag-abot ng bagay na iyon kay Keith.
Tumawa ng mahina si Ghon, binasag ang namumuong katahimikan sa dalawa. “Sa lugar na ito una kaming nagkita” panimula ni Ghon, ang kaninang pagtawa niya ay napalitan ng isang ngiti, na mababakas naman ni Brayle ang kasiyahan sa boses nito habang patuloy na nagkukuwento. “Dito unang nabihag ng babae ang puso ko.”
Malalim na bumuntong hininga si Ghon. Umayos siya ng tayo at pinagmasdan ng matagal si Brayle. Sa sandaling ito naramdaman ni Brayle na tila may magbabago sa susunod na mga araw. Muling inabot ni Ghon ang papel. Nang hindi ito kunin ni Brayle ay si Ghon na ang sapilitang naglagay sa kamay ni Brayle.
“Tol, may ipapakiusap sana ako sayo. Huli na ito sapagkat ayaw ko nang manggulo.” nakangiting sabi ni Ghon. Lumakas ang bagsak ng ulan. Panigurado'y matagal pa bago sila makakaalis. Ngunit bahagyang natigilan si Brayle nang walang pag-alinlangan na sumulong sa ulan si Ghon. Natigilan siya, sinubukan niyang tawagin si Ghon ngunit mabilis itong naglaho sa gitna ng ulan.
MALINAW na kay Brayle ang lahat. Na si Keith at Ghon ay may nararamdaman sa isa't isa. Gustuhin man niyang bawiin si Keith, ngunit naisip niyang wala naman pa lang naagaw sakanya. Walang agawan ang nangyari, pero pagpaparaya ay meron.
Ilang beses pinaikot-ikot ni Brayle sa kamay niya ang cellphone niya. Pabalik-balik niyang pinindot ang numero ni Ghon ngunit hindi niya magawang tawagan. May gusto siyang sabihin kay Ghon, at heto nga siya, nagdadalawang isip kung gagawin ba niya o hindi, para sa kapakanan nilang dalawa ni Keith.
Limang minuto ang lumipas bago niya napagpasiyahang tawagan ito. Nagring sa kabilang linya. Sampung segundo ang lumipas bago nasagot ni Ghon ang tawag. Maingay sa kabilang linya, ngunit agad din iyong nabasag nang magsalita si Ghon.
“Tol!” malakas ngunit parang hinihingal na sambit ni Ghon. “Napatawag ka?” Mababakas sa boses ni Ghon ang ngiti nito ngunit sa kabila ng ngiti niya ay may tinatago siyang sakit.
“Can we meet? May sasabihin ako sa'yo.” diretsong sabi ni Brayle, tila hinahabol niya ang tumatakbong oras sa pagmamadali.
Samantala, natigilan naman si Ghon sa kabilang linya. Pinagmasdan niya ang kamay niyang may nakatusok na karayom. Maya-maya ay tinanggal niya ito at lumapit sa bintana. Pinagmasdan niya ang maingay na gabi. Ingay mula sa tumatakbong sasakyan at mga taong hindi matigil sa paglalakad sa kalsada. “Ngayon na?” tanong ni Ghon.
Mabilis na kinuha ni Ghon ang kanyang jacket at sinuot. At habang ginagawa niya iyon ay nakita niya ang box na kinapalooban ng mask na kailangan niyang isuot sa tuwing lumalabas siya ng kwarto. Ngunit sa pagkakataong ito pinili ni Ghon na maging normal na tao.
NANG makarating si Ghon sa bus station ay umupo na siya sa loob katabi ang isang babae na may edad na, habang natutulog sa hita nito ang batang lalaki. Maputik ang daan nang makarating si Ghon sa probinsya. Napagpasyahan nila ni Brayle na sa lumang waiting shed magkikita.
Sa katunayan, kanina pa nakaupo sa lumang waiting shed si Brayle. Purmadong-purmado na handa na talaga sa lakad nito. Napatayo si Brayle nang matanaw sa unahan ang isang taong naglalakad sa basa at maputik na kalsada kasi lubak-lubak na.
Nang marating ni Ghon ang waiting shed ay napakamot siya sa batok niya sa nararamdamang hiya kay Brayle na kanina pa naghihintay sakanya.
“Kanina ka pa?” panimula ni Ghon, tinaktak niya ang suot niyang sapatos sa sahig ng waiting shed. “Pasensya na... malayo kasi ang totoong bahay namin dito.” sambit niya. Hindi siya nagsisinungaling sa ideyang malayo ang bahay nila, pero ang tinutukoy niyang bahay ay ang Ospital na parang bahay na niya kung ituring.
BINABASA MO ANG
A Love That Was Never Meant To Be [COMPLETED]
Teen FictionHindi siya ang pangunahing bida kung hindi isa lamang siyang pangalawang tauhan na binigyan ng pagkakataon na maiparating sa lahat ang tunay niyang nararamdaman para sa isang babae na hindi niya kailanman nasabi.