21. Wait.
Nakakabingi ang hiyawan.
Nanginginig ang laman ko dahil sa galit.
Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano nila hilain ng walang buhay na katawan ni Rose.
Naikuyom ko ang palad ko sa galit pero wala akong magawa!
Damn this fight!
Damn you all!
Damn...dammit!Wala akong inaksayang oras. Lumabas ako ng arena para sundan kung saan nila dadalhin ang banpkay. Hindi nila pwedeng galawin ang katawan!
Nagtago ako sa malalaking poste at maingat na kumilos para walang makahalata.
Hindi pwedeng may makakita sa akin!
Nilagay nila sa malaking bag na itim ang katawan saka sinakay sa kotsye.
Crap! I should have park my car near this area!
Dahan dahan akong sumunod. Daig ko pa ang professional magnanakaw dahil sa ginagawa ko.
Well, I am going to steal someone's body.
Sinumdan ko ang sasakyang hanggang sa makarating kami sa isang tulay na walang katao tao.
Dalawang lalaki ang bumuhat sa katawan at saka inambang ihahagis iyon sa ilog.
Mabilis na hinagis ko ang swiss knife para patamaan ang kamay nila.
"Hindi nyo pwedeng gawin yan."
Bumagsak ang katawan sa simento.
"Sino ka?!"
"Wag na kayong magtanong."
Sinugod ko silang dalawa at sinimulang makipaglaban. Nasugatan ko silang dalawa ng maraming beses dahil sa laki nila ay mabagal din ang pagkilos nila.
Nagulat na lang ako ng narinig ko ang isang putok ng baril mula sa likod ko, at sinundan pa ng isa pa ulit na putok.
Bumagsak ang isang lalaki sa ilog habang ang isa naman ay nakahilata sa kalsada.
Nilingin ko kung sino ang nagpaputok.
Rose...holding a gun. Now, pointing my direction.
"Sino ka ba talaga?! Gusto kong makita ang mukha mo."
Tumayo ako pero nakatutok parin ang baril sa ulo ko.
"Mas mabuti nang hindi mo ako kilala."
"Bakit...bakit hindi mo pa ako pinatay?"
Lumapit ako sa kanya, kahit nakatutok pa ang baril sa ulo ko ay hindi ako natakot. Alam kong hindi niya kakalabitin ang gatilyo. Hindi niya iyon magagawa. Hindi sya masamang tao.
Nang nasa tapat ko na nya ako ay hinawakan ko ang baril at binaba iyon.
"Dahil alam kong hindi ka masamang tao. Biktima ka lang din."
Narinig ko ang paghikbi niya.
Mas lalo tuloy nag-apoy ang galit sa puso ko. I want this to end! Madami pang mga katulad ni Rose. Hindi nila dapat nararanasan ang mga ganitong bagay! Karapatan nilang mabuhay ng normal!
Patay na ang lalaki na nakahilata sa kalye. Iyon ang pinalit namin sa bangkay na dapat ay kay Rose.
"Sa oras na makita nila ang bangkay, hindi na nila yan makikilala pa. Lagyan mo na lang ng kahit anong bagay na pagmamay-ari mo."
May nilagay sya sa loob ng bag bago namin iyon tuluyang hinulig sa ilog.
I can't believe I killed a person. Did I? kahit na hindi ko mismo kamay pakiramdam ko may ginawa akong masama. Nakatingin parin ako sa itim na bag na nakalutang sa tubig.
BINABASA MO ANG
Not Your Ordinary Angel: Black Angel Seraphim
ActionCodename: Black Angel Seraphim Weapon: Blades/Guns/Martial Arts techniques I'm Black Angel Seraphim. Seraphim is said to be the highest order of God's angelic servant, known as 'fiery serpent', angel of light, love and fire. But I'm no angel. I'm Bl...