Chapter 59

22K 753 38
                                    

Third Person's POV

Dahil nga nasa climax part na tayo ay eeksenang muli ang inyong magandang lingkod.

Marami na ang namatay na estudyante dahil nga sa katotohanan na kapag natuklaw ka ng ahas ay magiging bato ka at unti-unting madudurog hanggang sa magmistula ka na lamang na abo.

Gayundin naman ang iba pang hayop na nagmula sa Black Forest. May gagamba na mas malaki pa sa tao, may alupihan na talagang hindi rin biro ang laki, may mga paniki, at iba pang mga makamandag na hayop tulad ng scorpio. Lahat sila ay 'di hamak na mas malaki sa size ng tao at lahat din sila ay pareho ng mga ahas na nagagawang bato ang bawat tao na sinusugod nila.

"Bakit may ganito?!" pasigaw na tanong ni Aria habang patuloy siya sa pagpana sa mga hayop na lumalapit sa kanila. Nagtataka siya kung paanong nagkaroon ng ganitong klaseng mga hayop. Talagang hindi maikakaila ang pagkagulat, pagkatakot at pati na rin ang kabang nararamdaman sa mukha niya.

"Hindi ko rin alam!" sigaw rin pabalik ni Fire. Hindi nila maintindihan kung paano at kung bakit nasira ang harang sa black forest. Ang alam nila ay hindi naman dapat 'yon masisira nang gano'n lang kadali dahil matagal ng ginawa ang harang na 'yon pero biglang isinantabi ni Aria ang mga iniisip niya noong nahagip ng mga mata niya ang isang imahe sa gilid ng Black Forest na nakatitig lang sa kanila nina Fire.

"Fire, sino 'yon?" tanong ni Aria kay Fire na patuloy sa pagbato ng fire balls sa mga hayop na lumalapit sa kanila.

"Saan?" tanong niya nang hindi lumilingon kay Aria. Ituturo pa lang sana ni Aria ang imahe na 'yon pero bigla na siyang binalot ng kaba dahil ngumisi ito sa kaniya. Mukha lang ang nakita niya sa kadiliman ng Black Forest na 'yon pero iba na ang naramdaman niya. Ngayon niya lang nakita 'yon pero pakiramdam niya ay mukhang matagal na siyang kilala ng lalaking 'yon base na rin sa pagngiti nito sa kaniya.

"Aria, ano ba--" hindi na naituloy ni Fire ang sasabihin niya noong napansin niyang wala na si Aria sa tabi niya. Shit! Nasaan si Aria?! He thought. Nakaramdam siya ng kakaibang kaba dahil sa biglaang pagkawala ni Aria. Hindi niya alam kung saan siya pumunta. Iniisip niya ngayon na kasalanan niya kapag may nangyaring masama kay Aria.

Hinanap niya si Aria. Inilibot niya ang paningin niya sa palibot ng Yoso habang patuloy siya sa pakikipaglaban. Marami siyang nasaksihan na talagang hindi niya rin inaasahan at katulad ni Aria ay nakaramdaman siya ng pagsisisi lalo na noong nakita niya ang pagkamatay ng maraming elemental people.

Biglang nabaling ang atensyon niya kina Thea at Kai na kasalukuyang nakikipaglaban din sa mga soul eaters. Pinagagalaw ni Kai ang mga puno. May mga ugat mula sa ilalim ng lupa ang bigla na lang lumilitaw at pumupulupot sa mga hayop na sumusugod sa kanila. Si Thea naman ay gumagawa ng mga hayop na katulad ng mga hayop na sumusugod sa kanila at siyempre, mas doble ang laki. Kahit paano ay nakahinga ng maluwag si Fire dahil sigurado siyang okay lang sina Thea at Kai.

Nakita niya rin sina Nuraya at tulad nina Thea ay nasa maayos silang kalagayan. Nagagawa nilang makipaglaban ng ayos sa mga sumusugod sa kanila.

Si Aria na lang talaga ang pinag-aalala niya. Hindi niya nakita si Aria sa palibot ng Yoso. Noong napansin ni Fire na parami nang parami ang mga soul eaters ay naglabas siya ulit ng apoy sa kamay niya but this time, ginawa niya 'yong isang dragon na nagbubuga ng apoy sa palibot ng Yoso para lang puksain ang lalim ng puksain ang mga soul eaters.

"Hindi ito maaari!" sigaw ni Hera. Nagulat sina Fire dahil sa biglaang pagsulpot ni Hera. Agad na naglabas ng itim na kapangyarihan si Hera at parang mula sa kaniya ay nagsilabasan ang mas malalaking soul eaters. May iba pang lumabas mula sa palibot ng Yoso Academy.

"Walang pwedeng humadlang sa kadiliman!" sigaw ulit ni Hera bago kumulog ng napakalakas kasabay ng pagkidlat.

Ang Elemental Ministry ay hindi na alam ang gagawin. Naguguluhan sila sa mga nangyayari. Hindi nila alam kung ano ba ang uunahin nila.

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon