AVERY POV
Hilong hilo na ako sa mga oras na yun at ramdam ko ang tumutulong dugo sa ulo ko dahil sa pagkakahampas saken ni Ethan.
"Ano hindi ka pa rin sasagot? Galit na tanong neto saken.
"U-ughh. Tanging daing lang ang nasambit ko ng muli na naman niya akong sabunutan.
Tila naliligo na ako sa sarili kong dugo sa mga oras na yun at hindi ko na masyadong marinig ang paligid ko at sobrang nanlalabo na talaga ang paningin ko.
"Ayoko sa lahat inaartehan ako eh! Sigaw niya saken at inuntog niya ang baseball bath sa noo ko.
Ramdam ko ang malakas na pagkaka untog ng baseball bath sa noo ko at sanhi eto para lalong umikot ang paningin ko.
"Mal*ndi! Galit na sigaw niya at pabalibag akong binagsak sa sofa.
Kahit nanlalabo na ang paningin ko ay sinubukan kong tignan si Ethan at kita ko dito ang inangat niya ang baseball bath at mukhang ihahampas muli sa ulo ko.
"M*m*tay ka na! Sigaw niya pero nagulat ako ng may biglang pumalo sa likod ni Ethan at eto ang dahilan ng pagkatumba neto.
"Avery! Avery! Rinig kong sigaw at tawag saken ng isang lalaki sa harap ko.
"Avery! Kumapit ka lang itatakbo kita. Sambit neto.
"S-si Ethan. Hirap kong sambit dito.
Nag aalala ako kay Ethan dahil may kung sinong pumalo sa likod neto at bigla etong tumumba.
"S-si E-et.
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng tuluyan ng nandilim ang paningin ko.
ALEXANDER POV
Kasalukuyan akong na sa sasakyan at tinatahak ang landas pauwi.
"Sh*t. Murang bulong ko ng makapa ko na wala sa bulsa ko ang cellphone ko.
"Manong balik po tayo kela kuya may nakalimutan po ako. Sambit ko kay manong.
"Sige po sir. Sagot naman neto saken.
Niliko ni manong ang sasakyan at tinatahak namen pabalik ang daan sa bahay nila kuya. Ilang minuto lang ay narating din namen agad ang harapan ng bahay nila kuya at nagtaka ako bakit tahimik ang bahay.
"Wait lang po manong ha. Paalam ko dito.
"Sige po sir. Sagot neto saken.
Bumaba na ako ng sasakyan at dumiretso sa pinto.
"Kuya. Tawag ko dito.
Nakakailang doorbell na kasi ako wala pa ring sumasagot.
"Kuya, Avery. Muling tawag ko.
"Mukhang umalis sila. Bulong ko sa sarili ko.
Pinihit ko ang doorknob at nagtaka ako kung bakit bukas to. Pumasok ako dito ng dahan dahan baka kasi pinasok ng magnanakaw ang bahay nila kuya. Dahan dahan akong naglalakad at ng marating ko na ang sala ay nagulat ako sa nakita ko.
"M*m*tay kana! Sigaw ni kuya Ethan.
Nanlaki ang mata ko ng biglang inangat ni kuya Ethan ang baseball bat na hawak niya at mukhang ipapalo eto kay Avery na ngayon ay nakadapa sa sofa at naliligo sa sariling dugo. Hindi ako nag dalawang isip kunin ang vase sa gilid at ihampas eto sa likod ni kuya na siyang dahilan ng kinahimatay niya.
Patakbo akong lumapit sa lupaypay na katawan ni Avery.
"Avery! Avery! Nag aalalang tawag ko dito habang inaalog ang katawan niya.
Inangat ko siya at isinandal sa lap ko at pilit pa rin siyang tinatawag.
"Avery! Kumapit ka lang itatakbo kita. Nag aalalang sigaw ko dito sa nanghihinang katawan ni Avery.
"S-si Ethan. Hirap na sambit neto.
Gusto kong mag mura sa mga oras na yun dahil kahit ganto na ang ginawa ni kuya sa kanya ay si iniisip pa rin niya eto.
"S-si E-et. Hindi na natapos ni Avery ang sasabihin niya ng bigla etong nawalan ng malay.
"Avery! Tawag ko dito pero hindi na eto nakapagsalita pa.
Dali dali ko etong binuhat palabas ng bahay at iniwan ko si kuyang walang malay sa loob ng bahay.
"Manong buksan mo ang pinto! Natatarantang sigaw ko kay manong.
Agad agad naman niya etong binuksan at dali dali kong pinasok si Avery sa loob.
"Sa ospital manong dali! Sigaw ko dito.
Mabilis na pinatakbo ni manong ang sasakyan. Hawak hawak ko ang duguang katawan ni Avery at awang awa ako sa mga oras na yun.
"Avery p-please lumaban ka. Naiiyak kong sambit dito habang hawak hawak eto.
"Manong bilisan mo pa! Sigaw ko sa driver.
"S-sige po sir. Sambit niya.
"Avery k-kumapit ka nag mamakaawa ko sayo.
Umiiyak ko ng sambit dito. Kung titignan mo ang mukha ni Avery ay naliligo na eto sa sarili niyang dugo at tila bumabagal na ang pag hinga neto.
"Avery s-sorry, sorry nahuli ako please lumaban ka. Muli kong kausap sa walang malay niyang katawan.
Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko ngayon sobrang galit ang nararamdaman ko kay kuya sa mga oras na yun.
"Avery. Muling tawag ko sa pangalan niya.
Ilang oras lang ay huminto kame sa ospital at dali dali kong binuksan ang pinto at binuhat papasok si Avery.
"Nurse! Nurse! Sigaw ko ng makapasok ako sa loob ng ospital.
May nurse agad na lumapit saken.
"Anong nangyari sir. Tanong neto.
"Please gamutin niyo siya. Umiiyak kong sambit.
Dali dali naman sila nag dala ng higaan at nilagay ko dun si Avery.
"Lumaban ka Avery please. Umiiyak kong sambit habang tinatakbo sa emergency room si Avery at sumusunod ako dito at hawak hawak ang kamay niya.
"Avery. Umiiyak kong tawag dito.
"Sir hanggang dito lang po kayo. Sambit ng isang nurse saken at hinarangan ako.
"Nurse please iligtas niyo siya. Umiiyak kong pagmamakaawa sa nurse..
"Opo sir gagawin po namen ang lahat. Sagot neto saken.
Hinayaan ko lang na ipasok ang walang malay na katawan ni Avery sa emergency room.
"P*t*ng*na ka kuya! Bulong kong sambit.
"Napaka g*go mo! Muli kong bulong.
Napaupo ako sa harapan ng pinto kung saan pinasok si Avery.
"P-please lumaban ka. Bulong ko sa harap ng pinto.