Chapter 6

211 12 11
                                    

Val's POV

"Mommy saan tayo pupunta? Hindi pa ba tayo magbbeach?" Pagmamaktol ni Ran.

Hindi ko na siya pinansin dahil ilang beses na niya tinatanong sakin.

Papunta kami ngayon sa Sayak Airport dahil sabi ko nga ito ang pakay ko dito.

"Mommy gusto ko na manghuli ng hermit carb!" Maktol na naman ni Ran.

Huminga ako ng malalim at tinignan ng masama ang anak ko.

'Lord yung pasensya ko dagdagan mo pa.'

Hindi effective yung masamang tingin ko nakanguso pa din siya at hindi tumitigil.

Pumikit muna ako saglit at huminga ng malalim.

"Pag hindi ka magulo ngayon araw bukas makakapagbeach na tayo. Pero pagkinulit mo ko ng kinulit mamaya at hindi ko natapos ang gagawin ko sa susunod na araw pa. Nagkakaintindihan tayo Ourania?" Deal ko sakanya.

Natahimik siya saglit pero pumayag din.

Tumingin na lang ako sa bintana ng kotse.

Wala pa namang isang oras ng makarating kami sa Airport.

"Mommy ano gagawin ko dito? Mabobored ako." Tanong ni Ran.

Naglalakad na kami ngayon sa loob bg Airport.

"Mag aral ka mag ayos ng eroplano." Pambabara ko sakanya.

Natatawa ako dahil ang sama ng tingin nya sakin.

Binuhat ko na siya para mapabilis na dahil malalate na ko sa meeting ko.

Kami na lang pala ang hinihintay.

Dali dali ko binaba si Ran at inabot ang ipad niya para hindi siya magulo.

Pagkaupo ko sa harap ay nag umpisa na agad kami.

Sa totoo lang wala akong alam sa plano na to dahil si Jane dapat ang hahawak neto kaya nag nonotes lang ako para sakanya.

Bahala na siya kung ano desisyon niya.

Inabot ng halos 4 na oras ang meeting.

Paglingon ko kay Ran nakatulog na pala siya.

Pinabantay ko na lang muna siya sa mga staff dahil may need daw ako makita.

Nag ikot ikot kami dito sa Sayak Airport.

May mga sinasabi siya at tinuturo pero wala talaga ko na intindihan.

'Bahala ka dyan Jane sayo tong project na to tapos ako pinapunta mo.'

Tumungo tungo na lang ako para kunwari na intindihan ko.

Papapuntahin ko na lang dito si Jane next month wala talaga ko na intindihan sa meeting.

Buti sana kung nagheads up sakin si Jane kaso wala!

'Need ko din ba mag aral ng Aero Eng para maintindihan tong business ng asawa ko?'

Nung natapos na akong itour dito ay agad kong pinuntahan si Ran.

Gising na pala siya at kumakain.

Agad naman siya tumakbo at yumakap sakin.

Binuhat ko siya at nagpaalam na kami sakanila.

Habang hinihintay namin ang service namin may biglang tumawag sakin.

Agad ko naman tinignan kung sino.

Si Andrew pala.

Sinagot ko naman ang tawag.

"Hello? Bakit?" Bungad ko.

Our PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon