Escuela de reuniones

32 1 0
                                    

Umagang muli'y sumapit, sinag ng araw sa aking mga mata'y nakapagbibigay kamalayan. Sa pagbango'y ala-ala ang kahapon, at mga bagay na dapat maisagawa sa pang araw-araw. Araw ng pagpasok, sa paaralang hindi ko manlang ninais na linangin. Nanatiling mangmang sa paligid ay kahit isa'y hindi ko naging katoto. Pakiramdam na naiiba ka sa lipunang samahan dito sa paaralan, ay sapat para ako'y manahimik. Sa aking bawat hakbang, ako'y may naaninag na hindi ko malaman. Babaeng mistulang liwanag sa aking mapuputlang mga mata dahilan ng aking saglit na paghinto at paglingon. Habang pinag-mamasda'y siya ay napatingin sakin, kasama ang ngiting binitawan ng matatamis na salita mula sa kanyang lapit na mga kaibigan. Ay ang oras, kung saan ang puso kong nagpapahinga ay muling tumibok. Hindi ko alam ang aking gagawin sa mga saglit na yon. Sa halip, ako na lamang ay nag patuloy sa paglalakad na parang walang nakita. Sinong mag-aakala, na ako'y mahuhulog sa presensya ng babaeng estranghera. Ako'y aasa sa magiging daloy nitong makulay na parte sa buhay ko.

'Strangherang ParalumanWhere stories live. Discover now