Prologue

13 0 0
                                    

Mahal ko o mahal ako? ang tanong kung saan maraming tao ang nahihirapan sagutin. Mahirap magmahal ng taong may mahal ng iba, ikaw lamang ang masasaktan sa huli. At mahirap magmahal kung may mahal ka ng iba, dahil hindi natuturuan ang puso may sarili ito desisyon, maaari mo lamang syang masaktan sa huli.

Pano magmahal kung ang iyong mahal ay may ibang gusto at ang nagmamahal naman sayo ay hindi mo gusto? Anong desisyon ang iyong pipiliin, mahal mo? o yung nagmamahal sayo?

Ako nga pala si Jhayrold Villegas, 2nd year Animation student sa isang computer school sa Imus Cavite. Isa akong malaking torpe, pakiramdam ko lahat ng babae ay hindi ako magugustuhan ngunit nabago ito nung naging 4th year high school ako kung saan nagkaroon ako ng kauna unahang girlfriend. Ngunit hindi din naman kami nagtagal dahil sa nawalan na rin kami ng komunikasyon sa isa't isa. Nung 1st year college naman ako ay nagkagusto ako sa isang babae kaso nililigawan na pala sya ng tropa ko kaya hindi ko na din tinuloy pero inamin ko padin sa kanya ang nararamdaman ko at sa huli naging magkapatid ang turingan namin, kuya ang tawag nya sa akin at kulit naman ang tawag ko sa kanya.

Walo lamang kami sa Major class namin kaya mabilis nabuo ang aming barkada. Kompleto na nga ata kami mula sa isip bata, matured, chinito, rakistang walang lovelife, babaerong sawi sa pagibig, 1 direction fan, takot sa babae at ako isang malaking torpe. Nagsimula ang lahat nung 2nd year life namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 19, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Painless WoundsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon