Chapter 3

628 20 0
                                    

Nang mapatulog ko si Chichi, lumabas na ako ng kaniyang silid.

Pagbaba ko ng hagdan, sakto namang bumukas ang maindoor. Pumasok si Sir Ford at nakasunod sa kaniya ang dalawang tauhan na may mga bitbit na paper bags.

"Good evening po, Sir. Tulog na po si Chichi, kaya magpapahinga na din po ako," sabi ko.

Iniwasan kong mapatingin sa kaniyang mukha. Ayaw kong mahalata niya na nagaguwapuhan ako sa kaniya.

Tatalikod na sana ako nang tawagin niya ako.

"Lorena."

"Sir?"

"Pinamili kita ng mga damit."

Nanlaki ang aking mga mata. Ibig sabihin sa akin lahat ng mga bitbit ng mga bodyguard niya?

Ang dami!

"Thank you, Sir."

Oo, nagpapasalamat ako sa ginawa niya, pero hindi ko pa rin maitatangging nakakaramdam pa rin ako ng inis sa kaniya, dahil sa ginawa ng kaniyang anak.

Ang inaasahan ko ay pagsasabihan niya ang kaniyang anak na mali ang ginawa nito. Iyon ang kailangan ng kaniyang anak. Ang paggabay ng kaniyang magulang.

Sa ilang araw ko bilang yaya ni Chichi, halos hindi man lang nagkikita ang mag-ama. Wala na siya paggising ni Chichi. Tulog na din si chichi pag-uwi niya.

Anong klase siyang ama?

"Pasensya ka na sa ginawa ng anak ko."

Napatingin ako sa kaniyang guwapong mukha.

"Ganyan lang talaga siya sa una, pero alam kong magkakasundo rin kayong dalawa."

Ngumiti ako. "Pangako, Sir. Hindi ko po siya susukuan."

Nagdire-diretso na naman siya nang lakad at basta na lang akong tinalikuran.

Sumunod naman ang mga bodyguard sa akin hanggang sa maid's quarter. Nilapag nila sa maliit na sala ang mga bitbit nila.

"Salamat po."

"Ano ang mga iyan?" tanong ni Rita.
Nauna pa talaga siyang buklatin ang mga paper bags.

"Wow! Damit! Kanino galing?" Usisa niya.

"Kay S-Sir."

"Oh. ." Tumango-tango siya. "Kapalit ng mga sinira ni Chichi?"

Tumango na lang ako. "Ang gaganda, Lorena. Dali, isukat mo nga ang mga ito!" sabi niya habang isa-isang nilalabas ang mga damit. May mga tshirt at pantalon.

Tinignan ko ang mga sizes nito. Nakakapagtaka lang, paano nalaman ni Sir ang size ko?

May mga dresses din. Napanganga ako nang makita ko ang halaga nito sa price tag na nakdikit pa. Ang mamahal!

Naku! Hindi kaya planong ikaltas ni sir sa sahod ko ang iba nito?

"Ano'ng ginagawa mo?" Nagtatakang tanong ni Rita, nang ibalik ko sa paper bags ang mga damit.

Binitbit ko ang mga ito palabas ng maid's quarter. Pumasok ako sa kusina, patungo sa sala at umakyat ako sa hagdanan papunta sa ikalawang palapag.

Tumikhim muna ako bago ko kinatok ang pintuan ng kuwarto ni sir.

Ilang ulit akong kumatok. Hanggang sa tuluyan akong pagbuksan ni Sir ng pinto.

Napasinghap ako nang bumungad sa akin ang kaniyang hubad baro na katawan. Nakatapis lang siya ng tuwalya at ang kaniyang dulo ng buhok ay may tumutulo pang tubig.

My Boss Is A Hot Byudo- COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon