"Hindi ka pa din inaantok?" tanong ko kay Chichi. Alas-nuebe na ng gabi pero hyper pa din siya.
Sabado naman bukas kaya wala siyang pasok sa eskwelahan, pero hindi pa din siya puwedeng magpuyat.
"Kumain ka pa kasi ng chocolate kanina," sabi ko sa kaniya.
"Ikaw din naman, ah," balik naman niya sa akin.
"Higa ka na," utos ko. Humiga naman siya.
"Kantahan mo ako, Yaya," request niya.
Kinanta ko sa kaniya ang madalas na kantahin ko kapag pinapatulog ko ang mga kapatid ko nang maliliit pa sila.
At ilang sandali pa nga ay banayad na ang paghinga ni Chichi. Nakatulog din sa wakas.
Inayos ko ang kaniyang kumot.
Pinatay ko ang ilaw sa kaniyang tabi bago ko siya iniwan sa kaniyang silid.
Pababa na ako nang hagdanan nang bumukas ang main door. Pumasok si Sir habang pasuray-suray ang paglalakad.
Ilang beses pa siyang kamuntik na sumubsob sa sahig kaya nagmamadali ko siyang dinaluhan.
Grabe, ang bigat niya! Sa laking lalake ba naman niya kasi.
Hirap na hirap akong inalalayan siyang maglakad hanggang sa pag-akyat ng hagdan. Pagod na pagod ako nang tuluyan ko siyang maipasok sa kaniyang silid.
Padapa siyang humiga sa kaniyang kama.
Umungol pa ito, na para bang nasarapan nang maramdanan niya ang malambot niyang kama.
Gusto ko na lang siyang iwanan at pabayaan kaso hindi naman kaya ng konsensya ko na basta na lang siyang iwanan, lalo at basa ang suot niyang damit.
Una kong tinanggal ang sapatos at medyas ni Sir.
Nahirapan pa akong itihaya siya dahil ang
laking tao niya.Hinubad ko ang kaniyang suot na polo habang paulit-ulit kong pinapaalala sa aking sarili na walang malisya ang aking ginagawa.
Nang tumambad sa akin ang magandang katawan ni Sir, napasinghap ako.
"Umayos ka, Lorena!" paalala ko sa sarili ko.
Bumaba ako ng kama saka nakapamewang na pinagmasdan si Sir.
Pumasok ako sa banyo upang basahin ang towel na gagamitin ko sa pagpunas sa katawan ni Sir.
"Chandra," ungol ni Sir nang dumampi sa kaniyang mukha ang basang towel.
Chandra ang pangalan ng kaniyang asawa.
Kawawa naman si Sir. Mukhang hindi pa talaga siya nakakapag-move on sa pagkawala ng kaniyang asawa.
Pinagpatuloy ko ang pagpunas sa kaniyang mukha, hanggang sa kaniyang leeg.
Tama na siguro ito. Paalis na ako sa kama nang basta na lang akong yakapin ni Sir. Napahiga ako sa kama.
Pinilit kong bumangon pero hindi ko magawa dahil sa higpit ng pagkakayakap niya. Kung hindi ko lang amo, baka nasuntok ko na siya sa kaniyang mukha.
"Sir," reklamo ko. Nagmulat siya ng kaniyang mga mata. Seryoso siyang tumingin sa akin.
"Chandra," sambit niya.
"Si Lorena po ito, Sir. Baka po pwedeng bitawan mo na ako?"
Sa halip na bitawan ako, bigla na lamang niyang dinampi ang kaniyang labi sa aking mga labi.
Nabigla na naman ako. Akala ko bibitaw siya agad pero ilang sandali pa, marahan nang gumalaw ang kaniyang mga labi.
Hinahalikan niya ako. Dahil sa pagkagusto ko kay Sir hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na gantian ang kaniyang mga halik. Natalo na ako nang karupukan.
Kusa kong iniyakap ang aking mga braso sa kaniyang katawan habang ginagantihan ang kaniyang maalab na halik.
Nalalasahan ko pa ang pinaghalong alak at mint sa kaniyang bibig, na nakadagdag sa sensasyon na nararamdaman ko.
Hanggang sa maramdaman ko ang kaniyang kamay sa aking dibdib. Marahan itong pinisil.
Dahil sa gulat, naitulak ko siya.
Tila natauhan naman si Sir.
Mabilis akong bumangon at bumaba sa kaniyang kama.
"I'm sorry, Lorena," sambit niya pero hindi ko na sinagot pa. Walang lingon likod akong naglakad palabas ng kaniyang silid.
Nang makapasok ako sa silid namin ni Rita, nanghihina akong napaupo sa aking kama.
Ano bang iniisip ko kanina at nagpadala ako sa halik ni Sir. Paano kung hindi lang halik ang nangyari?
Ang tanga-tanga ko!
Bakit ako nakipaghalikan sa amo ko?
Nag-sorry siya, ibig sabihin nabigla lang siya. Wala lang na naman ang mga halik na iyon?
Hindi ko na halos nakikita si Sir mula nang mangyari iyong halikan namin sa kaniyang silid.
Mukhang iniiwasan na niya ako. Kumikirot tuloy ang dibdib ko tuwing naiisip ko na pinagsisihan ni Sir ang ginawa niyang paghalik sa akin.
Nabigla lang siguro siya. Pero bakit naman niya ako hahalikan kung nabigla lang siya?
Lasing siya. Iyon nga siguro ang dahilan.
"Good morning, Chichi!" Bati ko sa aking alaga. Gising na siya pero nakahiga pa din siya sa kama.
Nakahalukipkip siya. At tiyak kong hindi maganda ang gising ng aking alaga.
"May sakit ka ba?" tanong ko. Sinalat ko ang kaniyang noo, para tignan kung may lagnat ba siya pero wala naman.
"May masakit sa'yo?"
Umiling siya. "May inuwi si Daddy na babae!" Inis niyang bulalas.
Nakaramdam ako ng kakaiba sa kaniyang sinabi pero hindi ko pinahalata.
"Kamag-anak niyo?"
"No! Girlfriend yata niya!" Inis na sagot ni Chichi.
Parang kinurot ang aking puso.
"Paano mo naman nasabi na girlfriend niya?" Hindi naman siguro ito girlfriend ni Sir.
"Dinala niya sa room niya!"
Nagulat ako sa sinabi ni Chichi. Kung ganoon, nakakuha na siya ng magiging mommy ni Chichi?Para akong mawawalan ng lakas dahil sa nalaman ko.
Para namang maiiyak sa inis si Chichi.
Bumuntong hininga ako. Gustuhin ko man siyang i-comfort, Hindi ko naman alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kaniya. Hindi ko din alam kung paano ko pagagaanin ang nararamdaman ko dahil sa nalaman ko. Pagkatapos ng halik, at pagkatapos akong iwasan ni Sir ng ilang linggo, nag-uwi siya ng girlfriend niya dito.
Bumuntong hininga ako.
Maaga kasi akong natulog kagabi dahil masama ang pakiramdam ko. Mukhang iyon nga ang sinasabi ni Rita sa akin kanina, kaso hindi ko na binigyang pansin dahil nagmamadali akong puntahan ang aking alaga.
Kung may bagong mommy na si Chichi, ano pa ang silbi ko sa pamamahay na ito?
Mabigat ang aking kalooban, pero kailangan kong gampanan ang trabaho ko kay Chichi. Pagkatapos ko siyang paliguan, bumaba ako sa kusina upang kuhanan siya ng pagkain dahil ayaw niyang bumaba.
Masama ang kaniyang loob sa kaniyang ama.
BINABASA MO ANG
My Boss Is A Hot Byudo- COMPLETE
RomansaUpang matulungan ang mga magulang sa paghahanap-buhay, namasukan siya sa lungsod ng Manila. Ang kailangan lang niyang gawin ay alagaan ang makulit na anak ng isang byudo. Hindi lang basta byudo kundi, guwapo at sobrang hot na byudo. Gabi-gabi ay...