CHAPTER 20; Painful Truth

491 19 0
                                    

CHAPTER 20

Apple Point Of View


"Maligayang pagbabalik, Lady Mapple."they greeted. Yan ang bungad nila sa'kin ng maka pasok ako sa bahay ni Lola Dotch, walang pinagbago ang desinyo ng bahay niya at maganda parin 'to. Pero napapalibutan 'to ng kalungkotan.

"Wag ka'yong mag-alala, kaibigan ko siya."paliwanag kosa kanila ng tiningnan nila si Mesty, nang makita ko si Brethany ay agad itong ngumiti sa'kin at lumapit.

"Nagbalik kana Lady Mapple, siguradong magiging masaya si Madam Dotch nito."ngumiti siya pero ang ngiti na'yon ay may dalang kalungkotan.

Ano ba kasing nangyayari?

"Pwede moba kaming dalhin sa kanya?"tanong ko, tumango siya at pinasunod kami.

Sumilay sa aking mukha ang kalungkotan habang naka tingin sa sulok ng mga dinada-anan namin. Sobrang na miss kona 'to, pati 'yong kwarto ko.

Tumigil kami sa paglalakad ng makatapat na namin ang malaking pinto, ito ang kwarto ni Lola Dotch. Dahan-dahang binuksan ni Brethany ang pinto at sininyasan kaming pumasok ro'n.

"Madam Dotch, nandito napo ang Apo niyo."

Nanikip ang dibdib ko sa nakita, parang bumalik lahat ng ala-ala ko ng mawala si Lola no'ng bata pa ako. Iyak na iyak ako no'n habang inaaway ko si Papa dahil gusto kong gisingin niya si Lola.

Naka higa si Lola Dotch sa kanyang kama, mukhang nahihirapan siya. Tumingin 'to sa akin at nakita ko ang kasiyahan sa kanyang mga mata.

"Apo, miss na kita."dahil sa nararamdaman ay agad akong yumakap sa kanya, kahit hindi ko kilala ang taong 'to at panandalian lang ay parang tinuturing kona siyang pamilya.

Humiwalay ako rito at ngumiti, tumayo ako at hinarap si Mesty.

"Lola Dotch, ito pala si Mesty kaibigan ko."tumingin si Lola Dotch sa tinutukoy ko at biglang nanlambot ang mga mata niya ay ngumiti kay Mesty.

"Napakagandang bata,"komento niya, lumapit si Mesty sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay.

"Magandang gabi po."magalang niyang bati.

Nag-usap kaming tatlo at umalis si Mesty para bigyan kami oras na makapag-usap, tumunog ang pinto hudyat ng pag-alis ni Brethany at Mesty. Tumingin ako kay Lola Dotch na naka tingin rin pala sa'kin.

"Ano pong nangyari sa inyo Lola?"I asked with my concerned tone.

"Don't mind me, may sakit lang ang grandma mo dahil sa katandaan."bahagya siyang ngumiti, parang 'yong ngiti niya ay huli na. . .

"Hindi na'ko magtatagal sa mundo Mapple, kaya sasabihin kona 'to sayo. You need to know this."nahihirapan nitong saad.

May bumara bigla sa aking lalamunan. .

"A-no po 'yon?"bumilis ang tibok ng aking puso.

"Wag ka sanang magulat at pakinggan molang ang sasabihin ko."dahan-dahan akong tumango. Parang sobrang importante ng sasabihin niya at natatakot akong marinig 'yon.

Chill. . Hindi mo ito tutuong katawan, baka ang tutuong nagmamay-ari nito ay may hindi pa nalalaman at ikaw ang makaka-alam noon. Pero nasasanay na ako sa katawang 'to. . . .

Huminga si Lola Dotch ng malalim bago ako tiningnan.
"Bago lumipas ang labing apat na taon, naaalala kopa no'n. May ginawa akong malaking kasalanan, someone sent me a child, apat na gulang palang ang batang 'yon at may nag-utos na kailangan ko siyang patayin sa h-indi masakit na paraan dahil baka lumabas ang kapangyarihan ng bata pero hindi ko magawa ang utos. Nang malaman ko kong sino ang batang 'yon ay agad ko siyang itinago, I protect her. Nagtago kami sa lugar na'to, binago ko ang pangalan ko para lang ma protektahan ang naka saad sa propisiya. "

Suddenly Reincarnated (RS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon