Surrogate Hired Wife ♡ Part 6

74 2 0
                                    

Seryoso ang mukha ni Peter na tanungin si Lexie tungkol sa relasyon daw nila ni Rixon.
"Nililigawan ko palang siya Daddy."si Rixon ang sumagot sa halip ni Lexie.Mamaya na niya ipaliwanag sa dalaga kung ano dahilan sa pagsisinungaling niya ngayon.He is hoping na maintindihan iyon ni Lexie.
"Rixon hindi ikaw ang tinatanong ko."galit na ani ni Peter sa anak.
"G-ganun po iyon siguro."gusto ni Lexie suportahan si Rixon kahit di niya maunawaan ang nangyayari.
"Di mo pa gf itong bata na ito Rixon.Kaya tuloy pa rin ang engagement ninyo ni Jessica.!"para kay Peter wala naman problema dahil di naman gf ni Rixon itong dalaga na ito.
"Talagang bang ipipilit mo Peter na maengage si Rixon sa mahal mong inaanak.?Penelope mamaya mag impake na tayo.Doon tayo sa Villa ni Rixon titira.At ikaw Peter ikaw ang makisama kay Jessica Brandon.!"galit din si Ignacia sa anak.Dahil di niya gusto si Jessica mula ulo hanggang paa.
"Sir Rixon mauna na siguro ako.Kelangan pala ninyong mag usap about sa private life ninyo."Para kay Lexie di siya pwede mangingialam sa mga ito.At ayaw niyang ma involve sa komplikadong buhay ng mayayaman.
"Nope ihahatid na kita at sila lang ang may problema sa bagay na iyon."tumayo naman si Rixon dahil nawalan na talaga siyang respeto sa mismong ama.Yong pagiging controller freak nito.Ayaw na ayaw niya talaga iyon.
"Rixon ayaw namin kay Jessica at Yna.Pero iyang nililigawan mo gusto namin.Sorry iha nadamay ka pa sa problema namin."pahabol na sabi ni Penelope kay Lexie.
"Pag usapan po ninyo ng mahinahon ang problema ninyo po Maam.Wag ninyo po idadaan sa init ng ulo."pahabol din advice ni Lexie sa mga ito.
Sa sasakyan unang nagsalita si Rixon.
"Ang totoo ng sinabi kong nangliligaw ako sayo dahil gusto kong tumakas sa engagement na iyon.Kung pwede hihingi ako ng pabor sayo Lexie.Pwede ka bang magpanggap ng gf ko.Sisiguraduhin ko na di ka malalapitan nila pag di mo ako kasama."frustrated na talaga si Rixon para makawala sa engagement nila Jessica Brandon.
"Maliit na pabor lang iyon Sir Rixon kung tutuusin.Kaya ko pong magpanggap na gf ninyo."tumatanaw lang si Lexie ng utang na loob kay Rixon ngayon.Kesa naman malaman ng pamilya nito na surrogate mother lang siya sa magiging anak ni Rixon Miller.
"T-thanks Lexie."buong puso na nagpapasalamat si Rixon sa dalaga.
"Sir Rixon attend ba tayo sa kasal nong Yna Blake.?"tanong ni Joe para malaman din ni Lexie kung sino si Yna Blake sa buhay ng amo niya.Mahirap ang clueless lage ito.Since magpanggap na itong gf ng amo niya.Para di na magulat pa si Lexie tulad kanina.
"Sure baka isipin niya na mahalaga pa siya sa akin kung di ako pupunta.!"nakamove on na si Rixon sa sakit na dinulot ni Yna sa kanya noon.Siguro galit na lang ang nararamdaman niya dito ngayon.
"P-pwede po bang di ako sasama Sir Rixon.?"ayaw ni Lexie na maging shield siya sa puso ni Rixon.At isa pa di niya alam kung sino si Yna at Jessica sa buhay ni Rixon.Naisip niya malamang playboy yata ito.Dala dalawa ang babae sa buhay nito.
"D-diba pumayag ka na maging gf ko Lexie.?Tiyak na pupunta si Jessica doon."nagulat si Rixon na nagbago bigla ang isip ni Lexie.
"Di ko naman kilala yong dalawang babae ninyo.At wala pa akong Alam sa nangyayari sa buhay ninyo Sir.Ano naman ang magagawa ko kung nandon na ako.?Mananahimik na lang habang di ko naman kilala yong Yna at Jessica nga."medyo iritable si Lexie sa pinapagawa ni Rixon sa kanya ura Urada.
"Ah ok si Jessica Brandon inaanak ni Daddy.At kababata ko siya dahil ang father niya close friend ni Daddy.Will obsessed siya sa akin at umabot sa puntong pinipilit niya ang sarili niya sa akin.Si Yna Blake naman ex gf ko at siya ang ikakasal ngayon."di niya maikwento kay Lexie ang tungkol sa kanila ni Yna.Dahil di pa iyon tamang panahon.
"Ah si Jessica childhood friend mo or whatever.Si Yna first love ninyo po.?"nanghula na lamang si Lexie ayaw niyang malaman pa ang detalye sa mga ito.
"Y-yes ganun na nga."tiningnan ni Rixon kung may makikita siyang emotion sa mukha ni Lexie.But disappointed siya dahil tila blanko iyon.At wala na itong tanong sa kanya ngayon.Siguro masyado pang maaga kung magustuhan man siya ni Lexie.Napapailing siya dahil hopeless romantic talaga siya.Gusto niyang meron ding nagmamahal sa kanya ngayon na.Dahil noon feeling niya sarili lang ni Yna Blake ang mahal nito.
Umiiyak si Lexie ng magpaalam kay Jenie after 1 week.Dahil sobrang close sila nito.Si Jenie ang tumulong sa kanya kung wala na siyang maibili ng pagkain sa dorm nila.Yon lang daw ang pwedeng maitulong ni Jenie.Pero para kay Lexie malaking bagay na iyon for her.
"As mag migrate ka sa ibang bansa.Pwede naman kita dalawin doon diba if may time.?"pinapagaan ni Jenie ang nararamdaman nila pareho.Totoo namang lilipat lang ng tirahan si Lexie at hindi sa ibang bansa or ibang lugar.Nasa Manila lang naman ang Villa ni Rixon Miller.
"T-tama ka siguro papayagan ako ni Sir Rixon na bumisita ka doon sa bahay niya."humihikbing ani ni Lexie sabay paalam na kay Jenie.
"Text or tawagan mo lang ako anytime.Kung may mangbully sayo reresbakan natin agad."pilit na ngumiti si Jenie at pinahid ang mga luha sa mga niya.
Kinagabihan maagang umuwi si Rixon.Para makasalo ng first dinner si Lexie sa Villa niya.At tatanungin din niya kung ano pa ang kasalanan nito.
"Sir ayaw po kumain si Maam Lexie.Deretso siya natulog po sa guest room."salubong ng kasambahay kay Rixon.
"Handaan mo ako ng makakain.Doon na din ako kakain sa kwarto niya."pinarenovate pa kasi ni Rixon ang kuwarto ni Lexie sa second floor.Katabi mismo ng kwarto niya.Kaya sa baba muna niya pinatuloy ang dalaga.Naabutan niyang natutulog nga si Lexie.Pero pinindot ni Rixon ang switch ng ilaw.Para sa kanya bawal si Lexie malipasan ng gutom.
"Jenie pakipatay ang ilaw naman please.!"di pa nakaadopt si Lexie sa bagong environment niya.Napagod siya sa kaiiyak kaya ayaw na lang niya maghapunan.
"Hey wake up kumain ka muna."tinapik ni Rixon ang makinis na mukha nito.Soft ang mukha nito at wala ni make up sa mukha.Lalong magmumukha si Lexie na bata kung di niya tuturuan maglagay ng medyo matured na make up sa mukha.Ayaw naman niyang sabihan na matanda na for Lexie Flores.
"Ayoko Jenie."reklamo ni Lexie sabay talukbong ng kumot.
"I said wake up ok."pinilit ni Rixon na gumising si Lexie talaga.Willing siya mag baby sitter nito kung kelangan.
Napipilitan naman dumilat si Lexie.Pero di pa totally gising ang diwa niya.
"Jenie naging kamukha ka na ni Sir Rixon.Hay naku siguro lately iniisip ko din yong pagiging gf ko kuno.Kaya napapaginipan ko siya."niyakap ni Lexie bigla si Rixon at pumikit ulit sa dibdib nito.
"Open your mouth I will feed you na lang.You love your bff talaga noh.Sorry nilayo kita sa kanya.I think mahirap sayo ang mawalay sa bff mo."naintindihan ni Rixon ang nararamdaman ni Lexie.Kumakain si Lexie na pikit ang mata.Kaya natutuwa si Rixon dahil parang baby pa pala ito.Kung inaatok mahirap itong gisingin pala.Nang makakain ng konti si Lexie.Hinayaan na lang niya itong matulog ulit.
Kinabukasan maagang gumising si Lexie.Nag ayos siya ng sarili muna bago dumeretso sa kusina.Ayaw niyang maging pabigat sa mga kasambahay ni Rixon.Dahil nakikitira lang siya doon kung tutuusin.
"Maam Lexie wag ka ng tumulong sa amin.Bisita ka ni Sir Rixon dito at gf pa.Kaya di mo na kelangan tumulong dito po sa kusina."natataranta ang mayordoma sa Villa ni Rixon.Dahil sobrang strikto na amo si Rixon Miller.
"Sasabihin ko na lang po kay Sir este Rixon na gusto kong tumulong sa inyo.Marunong po ako maghiwa ng mga gulay po."pamimilit ni Lexie sa mayordoma at kusinera.
"Pag galit si Sir Rixon nakakatakot.Kaya Maam Lexie wag na po kayong tumulong."inagaw ni Lina ang kutsilyo na hawak ni Lexie.Nagseselos kasi siya dahil nga may gf na si Rixon Miller.Binigyan siya ng scholarship nito pero feeling ni Lina may pag asa pa siya sa mismong amo niya.
"Aray.!"nasugat si Lexie at nagdugo ng husto ang kanyang kamay.
Nataranta ang mga kasambahay dahil unang araw ni Lexie doon at nasugat siya sa kusina daw.

 Surrogate Hired WifeWhere stories live. Discover now