MAAGA palang gising na kaming lahat para mag-agahan. Pagkatapos mag-agahan ay kanya-kanya na kami ng ligpit ng mga gamit.
Naghahanda para sa pag-uwi. Naglagay naman ng mga iba't-ibang prutas si Rafaela sa isang malaking basket para dalhin dahil baka daw magutom siya sa byahe.
Nakisama naman din sa kanya si Mac. Magkasundo talaga ang dalawang iyon pagdating sa pagkain.
Si Brett naman at Jeliarde ay nasa labas na inaayos ang gulong ng off-road car ni Jeliarde to make sure na safe kaming makakalabas ng bundok.
Habang si Joly ay nasa tabi ko tulog parin.
And speaking of Delvin, nasa labas din siya kasama si lolo Palo at Lolo Pilo. Hindi ko alam kung ano ang hinahanap nila sa likod ng bahay kung saan may isang maliit na kubo doon na sa tingin ko ay napuno ng mga kagamitan.
Hinihintay nalang namin na magsabi sila kung kailan kami aalis.
Sobrang bigat ng katawan ko kanina at tinatamad akong bumangon.
Hindi dahil pagod ako or what. Marahil ay dahil sa dinama ko ang sakit nang nalaman ko kagabi.
Hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan ang sinabi ni Delvin na may girlfriend na pala siya.
After namin mag-usap kagabi nagpaalam din ako sa kanya para magpahinga. Pero ang totoo nyan isang oras lang ang tulog ko.
Kakaisip.
Masakit para sa akin ang makita siyang umiyak dahil lang sa isang babae.
Napatunayan ko na mahal niya talaga ang kanyang girlfriend at babalik siya sa maynila para ayusin ang kanilang situation whatever is it.
Sana magka-ayos pa sila. Dahil ayokong makita siyang malungkot, nasasaktan ako.
Naramdaman ko nanaman ang biglang panunubig ng aking mata. Bago pa man yun tuluyang pumatak ay palihim ko na iyon pinunasan.
Ayokong makita ako ng kahit na sino dito sa ganong hwisyo.
"Hija, tawagin mo mga kasama mo. Gising na ang babae."Nagmamadaling bungad sa akin ni Lola Pilar na galing pa sa isang kwarto kung saan nandun ang kasama naming babae kahapon.
Dali-dali naman akong tumayo tsaka ginising si Joly."Hey Mac, paki tawag mga kasama natin."Saad ko kay Mac na abala sa paghiwa ng hinog na manga.
"I got it!"
Agaran naman siyang tumayo para lumabas ng bahay.
Madali naman akong nagtungo sa kwarto para tingnan ang babae. Pagpasok ko nakita ko siyang nakaupo na habang yakap-yakap ang tuhod nito.
Parang naiilang siya sa amin. Bahagya pa itong napaatras nang lapitan siya ni Lola Pilar para kausapin ngunit pilit iniiwas ng babae ang kanyang tingin.
Na para bang takot na takot siya, nanginginig ang kanyang katawan.
Hindi ko alam kung dulot ba iyon ng mga dinanas niya kaya siya nakakaramdam ng trauma.
"Okay lang ba siya?"Nag-aalalang sambit ni Rafaela na nasa tabi ko.
"Kanina ko pa nga siya pinapakain pero ayaw niya talaga. At ayaw din niya magsalita."Halata din sa boses ni lola Pilar ang labis na pagkabahala.
Ilang sandali pa ay nagdagsaan na din sa loob ng kwarto ang aming mga kasama maliban kay Brett at Jeliarde.
Tanging si lolo Pilo, lolo Palo, Mac at Delvin lang ang naroon.
Pansin ko naman na wala si Joly, langya. Mukang tulog parin ang isang iyon.
Marahang lumapit sa babae si Lolo Pilo para kausapin ang babae."Hija, kumusta na pakiramdam mo?"
BINABASA MO ANG
(R-18)A TASTE OF BEBENGKA
Ficción General*EMBRACE YOUR PASSION AND ALLOW YOUR STRENGHTS TO GROW. YOUR CONFIDENCE IN YOUR ABILITIES WILL NATURALLY GROW AS WELL.* Siya si CHIARA ENRIQUEZ, mabait at mapagmahal. Masipag sa lahat ng bagay, Sa kanyang murang edad nasanay na siya sa kahirapan n...