"Wala ka na bang naiwan, yung baon mo?" Tanong ko sa kapatid ko. Start na nang klase niya ngayon.
"All goods na ate" nag thumbs up pa ito sa akin. Lumapit ako sa kanya para ayusin ang uniform nito. Lihim akong napangiti dahil bagay na bagay ito sa kanya. She's too tall for her age. Gosh. She look matured really.
"Mama la, alis na po kami." paalam ko dahil ihahatid ko pa ang kapatid ko sa school nito.
"Ingat kayo apo, ikaw lili mag-aaral ng mabuti, ha?"
"Opo mama la, ako pa!" Naiiling nalang ako sa kayabangan ng kapatid ko. Niyakap niya pa ito bago siya pumasok sa sasakyan.
"Ingat apo sa pagda-drive" tumango lang ako kay Mama la at tumungo sa sasakyan.
Kasalukuyang binabaybay namin ang daan papunta sa school ng kapatid ko.
Sinilip ko ito sa rare view mirror. Nakatuon lang ang tingin niya sa dinadaanan namin. Literal na driver niya 'ko ngayon.
Hindi naman tumagal ang byahe at agad kaming nakarating sa paaralan ng kapatid ko. Private school ang pinag aaralan nito. Wala namang problema sa pera dahil may sapat naman na pera para sa tuition niya. Hindi lang talaga kakayanin kong pati ako kasama don. Maswerte lang talaga at nakapasa ako sa scholarship.
"Wag makikipag-away ally ha?" Kumunot ang noo niyang nakatingin sa akin dahil sa sinabi ko.
"I'm serious."
"Ate naman, parang nakikipag-away ako, hindi kaya!" Tinaasan ko siya ng kilay. I doubt that. Alam ko ang ugali ng kapatid ko. Matapang kasi ito compare sa akin. Ilang beses na nga si mama na pumupunta ng school dati dahil kung hindi may nasasapak ang kapatid ko may nakakaaway ito.
"Just behave ally, okay?"
"Opo" Inayos ko ang necktie niya dahil medyo maluwag ito. Inayos ko din ang buhok niya. Gosh. My sister is really grown up. Malaki pa ata siya sa ibang mga studyante dito.
Madami na din kasi mga studyante sa paligid.
"Ako mag susundo sayo mamaya wag kang sasama kahit kanino kung hindi ako, okay?" Inabot ko sa kanya ang bag nito.
"Pano kung kaibigan mo, ate?" Tinaasan ko siya ng kilay. Muka bang may kaibigan ako rito?
"Basta ally ako magsusundo sayo, mag aral ng mabuti, ha? I love you." hinalikan ko ang noo niya bago ko ito pinaalis para makapunta na sa room niya.
Nakatingin lang ako sa kanya hanggang makapasok siya sa gate ng school nito. I admit malaki at malawak ang school ng kapatid ko, but compare to my school it's 10 times na malawak.
Kasalukuyang magbabantay ako ngayon ng shop. Nasa loob si Mama la at may inaayos. Kasama ko naman rito si Nanay Amira at ang iba pang nagtatrabaho rito sa shop.
Kanina pa ako nakauwi, ilang oras na din.
Mama la informed me na baka ngayon daw darating ang isa sa magdi-deliver ng mga pananim nila. Sinabi din nito na mga kaidaran ko lang daw ito.
Kanina ko pa hinihintay na dumating ang sinasabi ni Mama la, pero hanggang ngayon wala pa din.
Busy ako sa pagkalikot ng laptop ko dahil chini-check ko ang school ko. I knew it's a well-known school, but, goodness! It was actually a famous international school. I knew it, but still!
Inangat ko ang tingin at hinanap ang kung sino.
Do you ever feel like you're being watched? I'm feeling it now.