“checkmate!” sabi ko kay mia, isa sa mga players. Nagppractice kami ngayon para sa nalalapit na intrams.
“haist! Hindi na ko nanalo sayo. Keilan kaya kita matatalo?” pabirong sabi niya
“ASA ka naman! Chess master tong pinsan ko.” Sabay gulo sa buhok ko. Tss. Loko talaga tong si rey.
“he! Tahimik, hindi naman ikaw kinkausap ko.” –mia
“feeling mo naman gusto kitang kausap!” –rey. Ayan nanaman sila, di na nagkasundo.
“ah basta! Habang may buhay may pag-asa.” –mia. Napaisip ako.
“Hindi habang buhay may pinapaasa.” Nakangiti kong sagot. Sila naman halatang naguluhan sa sinabi ko. Mga slow. Haha!
“Anong KONEK?!!” sabay nilang sabi
“hahahah! WALA. E quote lang yun na nabasa ko. Hehe” nagpeace sign nalng ako sakanila ^__^V sila naman e napailing-iling nalang.
“e di natahimik kayong dalawa. Haha! Oh sige, alis na nga kayo! ppractisin ko pa yung ibang mga players” pero lumipat lang sila sa katabi ng table ko. Mukang sila naman maglalaban.
“NEXT!” sigaw ko. Wala kasi si coach. Kaya sakin niya muna pinagkatiwala na itrain yung mga dati at bagong players.
Hindi ko kaagad nakita kung sino yung susunod kong makakalaban, nagvibrate kasi cellphone ko tapos GM lang pala. Tss! Kaya nagulat nalang ako ng may nagsalita, pero hindi ko agad nilingon.
“Hi Vhia.”
Familiar yung voice, pero hindi pwedeng siya yun. Unti-unti kong hinarap yung lalaking nagsalita. Sh*t! siya nga. Classmate ko sa ibang subject. Si Clarenz, The great Casanova!
“what are you doing here?” malamig kong sabi.
“easy ka lang babe” nakangiti niyang sagot. Arggh! Wag mo kong ngiti-ngitiian jan, nadadala ko niyan e. hala! Ano ba tong naiisip ko. Erase erase. Teka ano daw? BABE?!!
“BABE?! Tss. Nagpapatawa ka? Hindi ako katulad ng mga babae mo.” Pansin kong naagaw naming dalawa lahat ng atensyon, pero wala akong pakialam.
“jealous?” nakatitig lang siya sakin. Grabe makatingin toh nakakainlove!
“jealous mo mukha mo! As far as I know hindi tayo close. Ano ba kasing gingawa mo dito? Naligaw ka ata” sabi ko
“sabi kasi ng mga kaibigan ko puntahan ko daw yung mahal ko.” Sabay upo niya, pumangalumbaba pa sa harap ko at tinignan ako ng seryoso. Takte! Bakit ang gwapo niya?! Tapos yung lips niya, perfect lips. ohwMyGosh!
“Um---“ hindi ko na natuloy sasabihin ko. Bigla kong naalala yung sinabi niya. MAHAL? Ah hindi ako yun. Assuming naman ako.
“so? E di puntahan mo na.”
“No need. Kaharap ko na siya.” Then he winked at me. Naghiyawan naman yung iba!
Grabeeee! Ano daw Mahal? Ako? Parang umakayat lahat ng dugo sa mukha ko. Yaaaaay! >///< at yung puso ko, parang may nagkakarera! Ano ba yung feeling na to?! Pero sino naman maniniwala sakanya, sa isang playboy na araw-araw ibang babae kasama!
But to be honest, nagkagusto ko sakanya, NOON. Noong hindi ko pa alam na playboy siya. Sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto sakanya. Tingin pa lang niya matutunaw ka na. yung ngiti niya ay grabee HEAVEN! Tapos, ang sex appeal sinalo niya atang lahat. Hay.. yun nga lang playboy e, major turn-off tuloy. Pero hindi ko maintindihan sarili ko. Unang kita ko palang kasi sakanya naattract na ko. Ah basta!