Roku

738 54 1
                                    

"Ate!"

"Ate Lala!"

"Don't break my door, Ally!" sigaw ko sa kanya.

Halos hindi ako makafocus sa lakas ng pagkakatok niya. This kid, bakit hindi nalang siya tumulong kay Mama La sa baba?

Makikigulo na naman ito sa akin.

"Ate Lala!" Pinagbuksan ko siya ng pinto na kakatok pa sana.

"I'm busy, bakit ang ingay mo?"

Weekend ngayon kaya parehas kaming walang pasok, pero tambak naman sa mga school works. Tinatapos ko na nga ito para uunti na lang ang matitira. Hindi pa nag-iisang linggo pero sobrang dami na agad ng mga pinapagawa.

"Sobrang ganda ng kausap ni Mama La, ate, blue yung mata niya," natigilan ako sa sinabi niya.

Blue eyes..?

Don't tell me...

Namalayan ko na lang na sumama din ako sa kapatid ko para makita ang sinasabi niya.

"Apo, mabuti at lumabas ka na sa room mo," agad na sabi ni Mama La nang makita ako.

Nakatuon ang mga mata ko sa kausap niya ngayon. I don't know what's happening to me.

All of a sudden, it feels like time froze for a second and my heart started beating harder than ever. As if time slowed down nang tuluyan siyang lumingon sa akin.

It's her..

I would never forget that deep blue eyes of hers.

Palihim kong kinapa ang dibdib ko.

What's happening to me?

"Oo nga pala si Ate Zavira niyo, kaibigan ni Ate Fima niyo," rinig ko sa boses ni Mama La.

Nakatitig lang ako sa kanya, so as her to me. It's like the first time I saw her..walang bago sa kanya. She's as beautiful as ever.

...And her eyes.

Damn.

"Sino si Ate Fima, Mama La?" Oo nga pala hindi nakita ng kapatid ko si Ate Fima nang pumunta sila rito.

"Makikita mo ulit 'yon, apo, kapag pumunta rito," sagot lang ni Mama La sa kapatid ko.

"Kausapin niyo muna si Ate Zavira niyo, at napadaan lang 'yan dito," sabi ni Mama La bago siya umalis.

Nabaling ang tingin ko sa dala niya.

I think mga pinamili niya 'to.

Nang tumapat ang tingin ko sa mga mata niya, hindi nakawala sa paningin ko ang paghangod niya sa katawan ko. Naconscious agad ako sa sarili lalo na't naka-loose shirt lang ako at shorts, and I know hindi maayos ang mukha ko. Pagkagising ko kasi kanina, dumiretso agad ako sa kusina para kumuha ng breakfast at agad na pumasok sa room para tapusin ang mga school works ko.

Hindi ko alam kung namalikmata ba ako dahil nakita kong umangat ang gilid ng labi niya.

"Ate Zav, super ganda mo po, does your eyes real po?" Parang nahimasmasan lang ako nang marinig ko ang boses ng kapatid ko.

Napatitig agad ako sa mata niya. Sobrang ganda talaga ng mata nito. Agad namang sumagi sa isip ko ang kulay asul ding mata ng malaking asong nakita namin last time.

They seem somewhat similar, or is it just my imagination again?

"Yes, sweetie, my eyes are real," hindi ko mapigilang mapangiti sa boses niya. Gosh. Kahit ang boses nito, ang lambing pakinggan.

Zavira Vaudelaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon