Chapter 24

7 2 0
                                    

Chapter 24

Number

Changes are scary. It's scary how an experience changes someone, whether it's a good or a bad change, it's still scary. 

But I think he didn't change.

I just don't know him that much. Ilang buwan lang naman kami mag ka-kilala noon, hindi naman nag tagal, ni hindi ko nga na tapos ang pangalawang sem na kasama siya. Everything happened so fast, I fell in love with him, na hindi ko pa siya masyadong kilala.

I only knew a few sides of him. I didn't know about this one. Would I still like him back then if he showed me this kind of him? Probably not, I already do not like his nonchalant side.

"Why so mad?" I whispered to myself. He should have forgotten about it all.

"Uy! Bakit ka diyan bumubulong-bulong?" Bahagyang tinulak ako ni Kerlee. "May kausap ka ba?" She asked while looking around.

"Sarili ko" Sagot ko naman.

"Tuluyan ka na bang na baliw?" Sambit niya habang pinipigilan ang tawa. Masama ko siyang tiningnan. "I mean, dati talaga akala ko baliw ka at dapat sa mental hospital ka dinala ni Ma'am" dagdag niya pa.

"Hindi ako baliw! May iniisip lang" Bumalik ko sa ginagawa.

"Dapat lang noh! Magiging flight attendant ka pa"

"Hindi..."

"At bakit huh? I thought you were gonna travel the world! Sinabi mo sa mga bata iyon" Tinulak niya muli ako.

"Uyy! Stop pushing me, nababasa ang damit ko" Saway ko. I'm washing the dishes and she keeps pushing, mas lalo tuloy dumidikit ang damit ko sa sink.

"Don't tell me you're giving up again?" Bulong niya.

"It's not for me! I do want to travel the world pero mas gusto ko na lang muna mag trabaho ngayon"

"I'll work! Then you continue your dreams to become a flight attendant, ako na bahala sa needs mo! Basta!" Tinulak-tulak niya muli ako. I glared at her at hindi naman siya nag pa tinag.

"It's not my dream, Kerlee" Natigilan siya. I sigh "Sinabi ko lang 'yon sa inyo kasi ayaw niyo akong tigilan. I don't have a dream! I don't think I'll ever have"

"Grabe naman, you're still young, hindi pa huli ang lahat"

"I'm not rich, I wasted my youth, and I'm 27 at wala pa rin akong nararating, I'm still stuck here, I'm still a failure. I never worked anything out" Padabog ko'ng nilagay ang huling baso sa lagayan nito.

"Hoy!" Tinulak niya muli ako. My mouth is now on a thin line. "Ebarg mag salita! You're not a failure! You graduated college kaya"

"Basta, Kerlee. Mag tra-trabaho ako, Hindi ako mag fa-flight Attendant. Hindi ko naman ginusto maging ganoon, no choice lang talaga kasi panay tanong kayo kung bakit ako nag Tourism" I rolled my eyes. "Mag hahanap ako ng apartment bukas, sama ka?" Tumango siya.

"Sige!" Tumango ako. "Itatanong ko sana kung bakit gusto mong umalis! pero sabi mo panay tanong ako kaya wag na lang!" She crossed her arms.

Tumawa ako at nag ayos ng sarili.

I'll go back in there. Pumunta lang naman ako ng kusina para mag hugas, nagsasaya kasi sa labas yung mag huhugas sana, ayaw ko naman istorbohin, minsan lang naman kami nag kaka ganitong klaseng party.

Bumalik ako sa inuupuan kasama ang mga bata. Our table is a bit near to Aello, nakikita ko ang likod niya kaya paminsan-minsan sa likod niya ako nakatitig. He sometimes looks back here, to watch the kids. At kapag ganoon, ako naman ang tumalikod, I'll play with the kids behind me.

SUN SHOWER (Butterfly Sanctuary series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon