Chapter 6

285 16 0
                                    

"Excuse me, miss? Do we know you?" Umangat ang tingin ng babae sa akin.

Napatitig ako sa babae na tila pamilyar sa akin, pero habang nakatingin ako sa mukha ng babae ay medyo kumikirot rin sa sakit ang ulo ko, iniwas ko rito ang paningin, tinignan saglit ang lalaki na nabangga ko at yumuko.

Lumayo ako ng bahagya roon sa lalaki. "Pasensya na," nakayukong sabi ko bago sila nilampasan at nagpatuloy sa paglalakad ngunit narinig ko pa boses nung babae.

"What the hell, Lukas? Why are you so stunned? Kilala mo ba 'yong babaeng 'yon?"

Binilisan ko ang lakad dahil baka mahuli ako ni Vernon. Nang makarating ako sa bandang dulo ay saktong may namataan akong mga waitress na pumasok sa isang pinto. Mas binilisan ko pa ang lakad at sumunod sa mga waitress.

"Hello, ma'am, do you need anything?" Biglang may nag approach sa akin na isang babaeng waitress. Siguro ay napansin ako nitong sumusunod sa kanila.

"Uh... alam mo ba kung saan ang exit rito?"

"Lumiko lang kayo ma'am, nasa dulo po ng kabilang pasilyo ang exit room," aniya at itinuro ang kabilang daan.

"Thank you," nginitian ko siya at kaagad na tumungo sa kabila, almost half-running.

Natanaw ko na ang isang pintuan mula sa dulo, mukhang iyon na nga ang exit. Naging mabagal ang paghakbang ko nang maramdaman bigla ang pagsakit ng aking ulo. Hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy sa mabagal na paglalakad, ngunit kalaunan ay mas lalong sumakit iyon.

Napahawak ako sa dingding.

I closed my eyes tightly, undefined memories are flashing back like a lightning, malabo at hindi ko maintindihan. Sumasakit ang aking ulo at may nakikita akong litrato ng isang malabong mukha ng lalaki sa isipan ko.

No... hindi ko 'to dapat isipin. Kailangan kong tumakas!

Gusto kong tumakas. I need to find Dra. Alvarez, alam kong may alam siya ukol sa totoong ugnayan namin ni Rich. I don't even know my family, hindi rin sinasagot ni Rich ang mga tanong ko! Those particular reasons are enough for me to feel doubt.

Sino ba talaga ako?

Nagpatuloy ako sa paglakad nang natitiis ko na ang sakit ng ulo ko, nang makalabas ako sa pinto ay nasa loob pa rin ako ng hotel. Buti na lang ay natatandaan ko pa ang daan palabas ng hotel na 'to, hindi rin naman gaano nakakalito ang daan.

Sumabay ako sa isang grupo ng tao na lumabas at bahagyang nagtago sa kanilang likuran, napansin ko kasi yung isang gwardya na kanina pa patingin tingin at tila may hinahanap.

I sighed in relief when I managed to escape the hotel, wala akong sinayang na oras at kaagad akong umalis at tumakbo sa kung saan, hindi ko na alam kung saan ako daldalhin ng mga paa ko basta ay nagpatuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa naramdaman kong malayo na ang narating ko. Mabuti na lang talaga, dahil tumanggi ako kanina sa designer na heels ang soutin ko.

Huminto ako sa kung saan may maraming tao at may mga panindang nakapuwesto sa gilid ng daan, mula sa aking kinaroroonan ay natatanaw ko ang malawak na dagat, at nakakasilaw na sinag ng araw,  'di ko mapagkakailang nakakagaan ng loob ang tanawin. Hindi ko rin inaasahan na makakapunta ako sa ganitong lugar.

Pakiramdam ko, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakalabas ako, 'yong pakiramdam na malaya ka.

"Hey miss ganda, mukhang naliligaw ka ata ah?"

I looked at the unknown guy beside me. Nakangiti siya sa akin at mukhang mabait. Bigla kong naalala na kaya nga pala ako tumakas ay may pupuntahan akong lugar. Maybe this guy could help?

He Stoled Her Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon