Never in my whole life, naniwala ako sa love na yan.
Ang love? Para lang yan sa mga mahilig makipagdate, kasi ako.. Family at friends lang iniikutan ng lovelife. Committed kumbaga sa peer and family-ties relationships. Kasi I believe na, those are the kinds that lasts long. Yung tipong, walang duda-away-suyo. Nakakasawa kaya yuun. Kahit di ko pa nararanasan, makikita ko palang mga nakaexperience, nakuu. WAG nalang. :)
Ako nga pala si Julie Cabrera. 2nd year college ako, studying at San Juan De Letran.. As usual, ako yung kain-tulog-aral na estudyante. I find the online world too complicated, baka madami lang akong magawang 'di kanais-nais. >:)
Ako, boring? Ohh. Sanay na. Not the usual hi-hello girl na pwede niyong makausap. Mahirap kasing makuha ang loob 'ko kaya ganun nalang ako kaisnabera type.
At eto na naman, may klase ako ngayon.. Calculus~
"Okay. And this is how we got the answer..." ayun si Prof, lecture de lecture.. Walang pumapasok sa utak ko. Paano ba naman kasi?! Ingay ng nasa kanan ko! Harutan de harutan! Kala mo'y wala ng bukas!
"Onga babee, kaya MaxRider naman tayo next." sabi nung guy
"Nyaa. Babee! Nakakatakot ata dun. Baka mahilo na naman ako tapos.." ayun si girl, with matching hand gestures pa.
Nakakadistract! -.-
Lagii nalang silang ganito, 'di ba sila nandidiri?!
"Araaay!"
nagulat ako! nagising tuloy ako sa sigaw na 'yun.
Yung girl na kaharutan ni guy, natamaan ng kung ano...
at ngayon..
ngayon....
They're all looking at me. Napatingin tuloy ako sa tumama sa girl.
Nakita 'ko yung.. yung notebook ko. Tapos, kitang kita pa pangalan 'ko. o.O Kapag sineswerte ka ba naman, hindi ko alam, nakabato na pala ako sa sobrang inis! :))
Buti nga sa kanya. By the way, yung girl ay si Jamie Dez, isang transferee pero andami ng issue na nagagawa. -__-
Yung boy naman ay si Dhancell Villanueva. Mabait, matalino at napakaseryoso.. Pero ngayon, hindi ko alam kung bakit ba parang nahawaan ata ni Jamie. Naging magkatabi lang ay kumalat kaagad yung virus niya. -.-
Okaay. Back to reality. *tink*
At.. Nakatingin parin silang lahat sakin, waiting for a response?
"Ahh.. Ehh." nauutal kong sabi..
"Ahh.. Hinihiram 'ko kasi notes ni Julie. Pasensya na babe kung natamaan ka, napalakas ata bato niya papunta sakin. ;)" huh? Sinalo ako ni .. ni Dhancell. Great, I owe him something pa pala. May pagkindat pa sakin ang loko! Parang ewan.
"Ah. Ganun ba babe. That's okay. :)" wow ha. Ayos din si Jamie, kala mo kung sinong mabait na nagsabing okay. HAHAHA.
Haaay.
*kriiiiiiiing*
Sa WAKAS. Labasan na. Nakakahimatay lang sa loob. -___-
Nakauwi na 'ko at lahat..
At the usual thing, kumain muna ako. Tapos gawa gawa rin ng ass. Sipaag 'ko lang. :)
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
The neext day..
Huh. Aga 'ko ata ngayon sa school ah. :D
Buti wala pang tao, makakapagmuni-muni muna magisa sa room.
Naupo muna ako sa isang bakangteng upuan at nakinig sa musika. :')
Ito tlga second best love ko. Ang love na alam kong 'di ako sasaktan.
Habang naghuhum ako kasabay ng pinapatunog ko. May biglang tumama sa may paanan 'ko.
(-__-?) Huh.
Medyo madilim pa naman..
Pag katingin ko, isang notebook.
Notebook 'ko?
Tiningnan 'ko yung envelope na nakasipit..
Mga makukulay na papel siya na may iba't ibang nakalagay...
Kasama ng mga papel na 'to ang iba't ibang larawan ko.. Mga stolen shots kung baga.
------
"Alam mo, noong una palang..
I find you really different"
"Yung tindig, titig at ayos mo..."
"Pero unang tingin mo palang sakin, nadisappoint na 'ko. Alam mo ba kung bakit?"
"Nakita 'ko kasi sa mata mong, ako yung hindi mo tipo."
"Dahil dun, napagisipan kong iisang tabi nalang tong nararamdaman ko sayo."
"Asa pa akong gusto mo rin ako." :)
"Pero, alam mo kung ano?"
"Nabuhayan ako ng loob nitong mga nakaraang araw..."
"Nakita kong iba ka na sa datii.."
"Para bang naiilang ka sakin.."
"Akala ko ang planong pagselosin ka namin ni Jamie ay hindi uubra, pero nagulat ako.. Ganun nalang naging reaksyon mo."
"At lalo akong natuwa sa nabasa 'ko sa notebook na 'to.. Julie, salamat at naibato mo 'to sakin."
"Sumulyap ka naman sa pintuan ohh."
Hindi 'ko alam pero.. Pagsulyap ko, nakita ko siyang may dala dalang malaking hugis puso na papel.
At hindi ko na napigilan ang mga luhang tinatago 'ko dati pa lang..
"Julie, tinatanggap mo ba puso kong matagal nang nagmamahal sayo?" pangiting tanong sakin ni Dhancell.
Hindi ako makasagot.
Masyado atang nagulat..
At napayakap nalang ako sa kanya..
Sabay sabing, "Oo Dhancell Villanueva, bakit nga ba ngayon ka lang?"
"Ngayon lang kasi dumating ang senyas na yan, Mrs. Villanueva." sabi niya sa may malapit sa tenga 'ko sabay kurit sa ilong 'ko. :)
"Ikaw talaga! Humanda ka sakin." sabi 'ko sabay kiliti sa kanya. :P
At ayuuun, para kaming ewan na magkayakap na tumatawa. :')
Fin--
~bliss
BINABASA MO ANG
One shot stories
Teen FictionKwento ng pag-ibig, kabaliwan at tunay na pinagdadaanan sa buhay. :D Basahin niyo nalang. Ngayon lang ulit ako nakapagsulat. :> Kaya sana ayoos pa pagiisip 'ko sa mga ganito. XD Read and sprreaaad. <3 ~bliiss