"Saan ba kasi talaga tayo pupunta?" nakakunot ang noo'ng tanong ko sa bestfriend kong walang tigil sa paghila sa'kin.
Ano ba kasing gusto neto ni Rahia.
"Sa may harap," tumigil siya sa paglalakad at tinignan ako, tinaasan niya ako ng kilay. "Saan pa ba?"
Tinalikuran niya ako pagkatapos nun at nagsimula nang maglakad ulit. Walang emosyong nakasunod ako dito, no choice hawak-hawak niya ako sa braso. "Anong gagawin natin doon?".
"Maghahanap ng pogi?" automatikong napataas ang kilay ko.
"What?!"
"Joke lang!" tumawa siya at nginitian ako. "Event ngayon, 'di ba? Hindi naman pwedeng nasa likod lang tayo ng school, baka pagalitan tayo ng principal, o magkaroon tayo ng free visit sa Discipline Office,"
Oo, may event na kahit first day of school palang. Parang pa-welcome party ganon. Ang hirap i-explain, basta may pa-kineme ang school ngayong araw.
"Then?" I ask while raising an eyebrow.
"Maghahanap ng pogi," napatalon ako nang may magsalita sa kaliwa ko. Napansin nito ang gulat kong reaksyon, ngumiti ito at nagpeace sign. "Sorry na, Sol,"
"Walang hiya ka, Liah!" mahina kong itinulak ito.
Nanlaki ang mata ko nang may mabangga si Liah matapos ko siyang itulak, napalingon ang bruha at napatigil nang makita kung gaano kagwapo ang nasa harapan niya. "I'm sorry," namumula ang pisnging sabi ni Liah dito.
Kulay black ang buhok nito at medyo magulo, matangos ang ilong, maputi, payat pero hindi gaano, pinkish ang labi, at makapal ang kilay. Gwapo? Oo, gwapo. Kaya nga nagkakaganiyan si Liah ngayon, eh. Pero balikan natin yung lalaki, hindi lang siya gwapo dahil cute rin siya. Basta, ayon na 'yon!
"It's okay," He smile.
Nangamatis na ang pisngi ni Liah. Hindi naman halatang kinikilig ang bruha!
"Just be careful next time," I blink when he look at me and smile before walking away.
Hindi ko alam kung anong itsura ko ngayon, ngunit pakiramdam ko ay nangangamatis ang pisngi ko.
Nang makaalis ang lalaking 'yon sa harapan namin ay bigla akong tinulak ni Liah na nagpatingin sa akin, "Ang haba ng buhok mo, Girl! Ikaw talaga napansin ni Kuyang pogi." sabi niya pero hindi ko siya pinansin at nagmake face.
"Kakaiba naman kasi ang ganda ng bestfriend nating 'toh," sabi ni Rahia sabay hawak sa mukha ko at tinignan pa ito sa ibang angolo. "Mala-dyosa ang ganda," sabi nito at tinap ang kaniyang baba.
I rolled my eyes. "Tigilan niyo nga ako!"
"Sus, tinignan ka nga tapos nginitian," sabi ni Liah at tinusok ang tagiliran ko. "Ikaw na ang napaka attractive sa ating tatlo," hindi ko pinansin ang sinabi niyang iyon.
Sino sila? They're my close friends. Si Rahia Emilie Felizia at Taliah Evonne Kerniz, sila ang madaldal, maharot, mataray na bestfriend ko.
Si Rahia Emilie Felizia ay maputi, manipis ang kilay, medyo matangos ang ilong, payat, at medium length ang buhok na may pagka-wavy.
Taliah Evonne Kerniz naman ay morena, chubby, kulay brown ang buhok, at medyo matangos ang ilong.
At ako? Ako si Aleinna Louise Yvaxez. Ang tahimik, maingay lang kapag magaan ang pakiramdam sa isang tao. At mabait pero may bad side rin. Lahat naman kasi ng tao may bad side, 'di ba? Sabi mong hindi, kakaltukan kita. Walang perfect 'noh!
YOU ARE READING
A PHOTOGRAPHER'S LOVE (2023)
RomanceI'm Aleinna Louise Yvaxez, who doesn't like socializing. She is the type of person who is shy around people who are not that close to her. I was looking around when someone got my attention; it was a guy holding a camera. He is famous, like people s...