Hi guys! This is a new story i just wrote while listening to some music! Sound trip while writing! :)
Sana magustuhan niyo..
Please vote and comment! :)
No soft copy please!
By: westprincess1793©
_________________________
Naalala pa kaya niya ako?
Makikilala pa ba niya ako?
Lumipas na kasi ang ilang taon....
Madami nang nawala...
Madaming nadagdag...
Madami na rin ang nagbago...
Maalala pa kaya niya ang ipinangako niya sa akin noon?
Hi, My name is Margarette Tavera. 22 years old. Isang accounting officer sa isang bangko sa Libis.
"Margie" that's how my friends call me.
Except for one person who always call me Margarette.
Sino kamo?
Well...
Siya lang naman ang pinaka importanteng tao sa buhay ko...
Yung taong lagi kong iniisip...
Yung taong mahal na mahal ko kahit ilang taon na ang nakakalipas...
Yung unang lalaki na nag patibok ng puso ko...
Yung lalaking araw araw ay hinihintay kong bumalik...
Si Kevin Alcantara. Ang aking kababata...
7 years ago..... ***flash back***
"Nandito ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap! Kanina ka pa hinahanap ng mommy mo!" Sigaw ko sa kanya habang hingal na hingal pa galing sa pag takbo.
"Lagi mo talagang alam kung saan ako nagpupunta!" Sabi niya sa akin.
"Aba, siyempre naman! Kilalang kilala na kita eh. Pag may problema, dito ka sa tabing ilog pumupunta, pag masaya ka naman, lagi ka nandun kina Aling Basha para kumain ng paboritong halo-halo! Pag galit ka, nandun ka naman sa boxing gym ni Kuya Ben para maglabas ng sama ng loob. At kapag na tatae ka sa-----" bago ko pa matapos ang sinasabi ko, tinakpan na niya ang bibig ko.
"Oo na... Alam mo na lahat. Masaya ka na?" Sabay halakhak ng malakas. Inakbayan niya ako at sabay kaming lumakad paalis.
Kinabukasan, sa eskwelahan...
"Oh, eto na naman ang magsyota" bulyaw ng isa naming kaklase na si Denisse.
Dumeretso lang si Kevin sa upuan niya at hindi pinansin ang sinabi ng kaklase, while as for me, nagpunta na ako sa circle of friends ko upang maki-chika. Araw araw kasi kaming sabay pumasok at araw araw na lang din namin naririnig ang tukso ng mga kaklase.
Para kasi sa akin, kaming dalawa ni Kevin a sadyang matalik na kaibigan. Sabay kami lumaki, sabay kami nagkaisip, sabay kami sa lahat ng bagay. Kulang na nga lang, doon na ako sa bahay nila tumira sa dalas ng pag dalaw ko sa kanila.
Pagkatapos ng klase, tumabi ako kay Kevin at hinintay matapos ang ginagawa niyang class report.
"Alam mo, Margarette, kung nagugutom ka, may pagkain ako sa bag."
\ (^ o ^ ) / "yey! " dali dali kong kinuha at kinalkal ang bag niya at nakakuha ako ng pretzel sticks. Binuksan ko ito at sumubo ng isa.
"Kevin oh, say ahhhhh..."
BINABASA MO ANG
Age: 22 years old
RandomSi Margarette at Kevin ay matalik na magkaibigan. In fact, childhood friends sila. Bago umalis si Kevin pauntang ibang bansa, nag iwan siya ng isang pangako kay Margarette na bibigyan daw niya ito ng singsing pag sumapit na siya sa edad na 22... Bak...