Sa 10th floor, sa rooftop ng building na ito. habang pinapakinggan ko ang mga ibon na kumakanta sa paligid nito kasabay ang hanggin na pumapagaspas sa buhok ko iniisip ko kung bakit pa ba ako nabubuhay sa mundo? sa kirami rami ng problema ng aking pasan pasan ngayon ang gusto ko lang naman ay maranasan ko kahit minsan na sumaya.
tumayo ako sa pinaka edge ng building na ito. kita sa ibaba nito kung gaano ito kataas, makikita mo ang mga sasakyan na parang laruan na sa liit. tinaas ko ang aking dalawang kamay sabay tingin sa langit at pumikit sabay sigaw na "AYOKO NA! SUSUKO NA AKO".
pero nung patalon palang ako may biglang pumasok sa isip ko. binuksan ko ang aking mga mata at inurong ko ang dalawa kong mga paa palayo sa edge ng building na ito. bigla ako napaluha at napahawak sa dibdib ko. naisip ko kung tama ba itong ginagawa ko? magiging masaya ba ako kung mawawala ako sa mundo? O mas lalong madadag ang kalungkutan ko?
hindi ko alam kung ano ang dapat na gawin ko kaya napa upo nalang ako sa kinatatayuan ko at umiyak ng umiyak hanggang sa mapagod ako at sumigaw ng sumigaw hanggang mawalan ako ng boses.
Pagkalipas ng tatlong buwan...
matapos ang pangyayaring yun sa tuktok ng building hindi parin nag babago ang buhay ko. minsan nga naisip ko bakit hindi ko pa itinuloy yun. siguro nga hindi ko pa time para mawala sa mundo. baka meron pang ibibigay si God na bagay na mag papabago sa buhay ko, baka this is not the right time na for me to find my happiness. siguro kapag nahanap ko na ang happiness kong yun di na ito mawawala muli tulad ng dati.
Habang nag mamadali sa pag balik sa office, biglang natraffic pa ako sa may edsa kaya kailangan kong bumaba at mag MRT nalang. habang dala dala ko ang mga kape at pagkain ng mga kaoffice mates ko, magagalit kasi sila saakin kapag hindi ko agad naibigay sakanila ang mga pinautos nila saakin in just 30 minutes. hindi naman ako utusan sa kompanya namin pero gusto ko yung ginagawa ko kahit ginagawa nila akong alalay kung minsan o madalas. ayoko kasi na merong taong masasabihan ako ng masama. hindi ko kasi kaya ihandle ang emotion ko lalo na sa mga masasamang sinasabi ng ibang tao saakin. kaya no choice ako kundi gawin ang mga ito.
"haynako" puno na naman ang pila sa MRT. "excuse me po, makikiraan po" kahit siksikan sumiksik padin ako sa rami ng tao dito. kahit na ganun di ko inantala ang init at sikip mas inisip ko pa ang kundisyon ng mga kape at pagkain ng kaofficemates ko.
"thank you, salamat" sabay kuha ng card sa kahera at sabay bilis ng lakad papunta sa train station. "hala! 15 minutes nalang malalagot ako nito ngayon eh" pagka bukas ng pinto ng train mabilis agad akong pumasok at sabay tingin sa relo ko . para akong sumasali sa isang marathon sa pabilisan ng takbo. minsan nga naisip ko bakit ko ito ginagawa, nagiging tanga lang kasi ako sa pagiging uto uto sa mga ka officemates ko.
malapit na ang train sa station ko. " 10minutes nalang, kailangan ko nang tumakbo ng mabilis" pag kalabas ko sa train huminto muna ako sa isang tabi para ayusin ang sintas ng sapatos ko at tiningnan ko kung okay pa ba ang mga dala ko. "hays. okay ready na? one,two,go" sabay takbo ng mabilis na para bang nasa karerahan ako. "kaya ko toh!" ang sigaw ko habang tumatakbo ako.
malapit na ako sa office namin. inakyat ko pa ang hagdan hanggang fifth floor. nasira kasi ang elevator namin kaya no choice kundi umakyat. pawis na at pagod samahan mo pa ng magulong itsura. "ayan na malapit na ako," sabay tingin sa aking relo "4 minutes left nalang, haiyst!"
nasa harapan na ako ng pinto ng office namin. nag ayos muna ako ng sarili ko tas tiningnan ko kung okay pa ang mga dala kong pagkain at kape sabay bukas ng pintuan. "guys! naito na mga pagkain nyo" masaya at masigla kong sinabi yun sakanila habang sila walang pake sa sinabi ko at patuloy lang sa kanilang ginagawa.