Just sit and chill, let Karma do the work.
++++++++++++++++++++++++++++++
"HAYOP KA!" at talagang mahihimigan mo ang talim at bangis ng mura na 'yon na nagmumula sa isang Ale na hinahabol ng patalim ang asawa niya. Bahagya akong napailing at sinimulang buksan ang lollipop bago ito isinubo.
"Ang kapal ng mukha mong mambabae! Ni hindi na nga makatayo 'yang sa'yo, nagawa mo pang sumiping sa iba?!" Usal ng babae at halos mapatid na ang litid ng leeg nito dahil sa pagsigaw. Hindi na namin mapigilan na tumawa dahil sa narinig.
"HAHHAHAHAHA! Kingina, lupaypay na pala si junior!" pangaalaska ni Jelard at alam kong narinig ito ng iba naming kasamahaan kaya't nagsitawanan kami ulit. Siraulo rin ang isang 'to.
Sanay naman na kami sa ganitong eksena, kaya kahit 'ata magsaksakan sila riyan, dadaan-daanan lang sila. Kung sa iba drama sa telebisyon ang pinapanood, kami ganitong eksena ang nakikita namin madalas sa pangaraw-araw.
"Bebs, ano ka ba? Alam mo namang ikaw lang ang labibads ko eh," angal ng asawa niya na pilit kinukuha ang patalim na hawak nung babae. Labidabs amputek!
"Talagang magsisinungaling ka pa? 'Wag mo akong matawag-tawag na labidabs, ang tanda mo na!" asik pabalik ng Misis niya.
"Oh, sige Mary Grace na lang kung ayaw mo ng labidabs," agad namang pinandiliman 'yong babae at talagang mukhang seryoso nang saksakin ang asawa niyang kulang 'ata sa aruga.
Rinig ko ang hagikhikan ng mga kasamahan ko rito sa talyer habang patuloy lang namin na pinapanood ang mag-asawang sa mismong harapan ng talyer nagtatalo. Galit-na-galit ang Ale at hingi naman nang hingi ng paumanhin ang lalaki. Ah! UNDERstanding pala si Manong.
"Ang kapal talaga ng mukha mo!" sigaw nung babae at agad hinabol ang mister niyang ngayon ay tumatakbo.
Agad naman nabaling ang atensyon namin sa babaeng dumaan din sa harapan ng talyer, sexy ito at balingkinitan, naka croptop lang ito at denim na shorts na halos 'yong singit niya makikita mo na sa sobrang iksi. Agad naman akong nakarinig ng sipol mula kay Junee, at ang ikinatawa namin ay nang bumaling ang babae sa direksyon namin.
"Ay hipon!" mahihimigan mo ang pagkadismaya ni Junee. Agad na nagpalatak kami ng tawa at lalo pang natawa nang irapan kami nung babae. Sobrang priceless kasi ng mukha ni Junee, mukha siyang nalugi.
"Hipon your fez! Mukha ka ngang garapata eh!" asik nung babae bago tumalikod at nag-flip pa ng hair. Padabog itong umalis, 'di alintana ang heels niyang mataas.
Payag ka non, Par? Mukha ka raw garapata. HAHHAHAHAHA!" pangaasar ni Manong Goryo, muli ay agad kaming nagsitawanan nang mapakamot ng noo si Junee at umiling-iling pa, halata na napahiya. Ayan! Gunggong kasi.
"Bumalik na nga kayo sa trabaho, mga chismoso kayo! Ano kayo babae?" panenermon ni Manong Goryo. Siya pala ang mayari ng talyer. May katandaan na ito, 'di ko na lang matandaan ang edad kahit pa nakikain ako sa handaan no'ng mag-birthday siya.
"Babae naman ako Manong Goryo, kaya okay lang maki-chismis," sabat ko at ngumisi nang nakakaloko. Trip ko talaga asarin si manong, pikunin kasi pero kahit gano'n 'di niya ako kayang tanggalin sa talyer niya. Aba! Ako ata pinaka master sa talyer na ito.
BINABASA MO ANG
MHC-007: KARMA
Teen FictionWhatever you do, there are always a consequnces, and that is what you called KARMA. They say, "Life is full of aesthetics, it is just a matter of appreciation, and contentment." But, the series of nothingness puts me in the abyss of darkness. Tatan...