Kabanata 11

10 0 0
                                    


KABANATA 11

⚜️ Aden ⚜️

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon.

Takot, kaba at Awa sa mga kasama kong nabihag ng mga rebelde.

Pagod na pagod kami at gutom na gutom na pero nangingibabaw saamin ang takot para sa mga buhay namin.

These guys are criminals, at hindi ko kayang isipin kong anong pwede nilang gawin samin.

Binigay naman namin sa kanila lahat ng gusto nila paglusob nila sa medical mission.

I taught they only want medicine and supplies pero hinostage nila kami at dinala dito.

" Doc, alam ko papatayin nila tayo " bulong sakin ng nurse na kasama kong nakatali dito sa gitna ng hideout nila.

" We have to stay strong, at sundin sila para di nila tayo saktan" mahinang sagot ko sa kanya.

We have to stay strong until rescue reaches us, kong meron man magliligtas samin dito.

Sino ba sila?

Why are they doing this?

At bakit kami hinayaan mag medical mission dito if this place was dangerous.

Kasalanan ko to eh

I didn't research this place before bringing my personnel here.

Ako ang nagdala sa kanila sa peligro.

Sir would be so disappointed in me.

Alam kaya nila ang nangyari samin dito.

Gulong-gulong ang isip ko ng may mapansin ako parang may gumagalaw sa bandang likodan namin.

Sa sobrang dilim diko makita kong ano to..

Ahas siguro, sa sukal ng gubat na to hindi malabong may mga venomous snake dito.

Bigla akong may naramdaman mahinang pag nudge sa likod ko.

Pag lingon ko pa parang may isang hugis ng aso akong naaninag.

They have a pet here?

Sa sama nila nakuha pa nilang mag-alaga ng aso dito.

Lumapit ang aso sa gilid ko at may bigla nalaglag galing sa bibig niya.At ng makita kong ano to agad ko itong inabot at tinago sa likod ko.

Bigyan ako ng aso ng maliit na kutsilyo. How strange is that.

Tapos dahan dahan ko siyang naaninag na gumapang pabalik sa pinangalingan niya.

That dog must be trained.

Nabuhayan ako ng loob maybe help is on the way. Maybe the military is on their way here to save us.

Dahan dahan ko kiniskis ang kusilyo sa lubid na nakatali sa kamay.

" Boss! Hindi pa ba natin kakainin tong mga chicks dito. Naglalaway nako sa kanila .. Ang kikinis oh!! Ang sexy!! Ang sasarap! " bigla sabi ng isang nagbabantay sa amin.

Lalong natakot at nag iyakan yung mga kasama kong babae sa sinabi niya.

Naramdaman kong lumuwag na ang tali sa kamay hangang sa tuluyan na itong maputol at malaglag.

Agad kong kinalagayan ang katabi ko.

" Wag kang magpahalata " mahinang bulong ko sa kanya habang pinuputol ang tali sa likod ng kamay niya.

" Pili ka ng isa dyan tapos dalhin mong langit " sagot nun boss nila sa loob ng tulda.

I'm not stupid para maintindihan ang gusto nilang gawin sa mga babaeng bihag nila.

ARROWS OF THE FORESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon