The Fita Love Story

149 25 16
                                    

Mag-iisang buwan na ng maging kami na ni Jorg Reyes. At syempre, maraming babae pa din ang hindi makapaniwala.

Sa ganda ko ba namang 'to? Ako na si Krizelle Santos, pinatulan si Jorg Reyes?

Haha. Chos. Ang dami naman kasing nagkaka-gusto do'n sa heartthrob kong boyfriend. Eh ngayon, wala na silang magagawa dahil taken na 'yong kinababaliwan nila.

Naglalakad ako ngayon kasama ang super hot na boyfriend ko papunta ng department ko. Business Management ako, habang s'ya, Engineering. Nasa 2nd year pa lang kami ng college.

Habang umaakyat kami ng building, halos mahimatay na 'yong ibang babae sa---ewan ko-selos at kilig.

Hanggang sa may narinig akong bulong.

"Eww! Hindi sila bagay! Mukhang paa 'yong girl!" sabi no'ng babae na nalampasan ko pa lang. Hindi bulong, eh. Sigaw. As in. SIGAW 'yong ginawa n'ya.

At ano daw?! Ako mukhang paa?!

Napatigil ako sa paglalakad.

Tumalikod ako at hinarap 'yong sakang na babae na 'yon. O-kay...maganda. Pero mas maganda ako.

"Hayaan mo na lang." Narinig kong bulong sa'kin ni Jorg.

"Hindi. Payag ka no'n? Tinatawag na mukhang paa ang girlfriend mo?" bulong ko.

"Ayaw ko. Pero, ayaw ko lang po ng gulo." Sagot n'ya.

"Whatever. Magiging mabilis lang 'to." Sabi ko at saka ko inirapan si Jorg. Gano'n talaga.

"Hoy, babae. Paki-ulit nga ulit ang sinabi mo." Sabi ko sa mahinahong tono.

"Sabi ko, mukha kang paa." Ulit n'ya.

Imbis na sabunutan ko s'ya at pagsasampalin, iba ang ginawa ko. Tumawa lang ako. Sa totoo lang, natutuwa talaga ako sa mga ganitong eksena. Ang tagal ko na din kasing hindi nakakapag-taray eh. Usually, no'ng nasa highschool pa 'ko, nakikipag-basag ulo talaga ako. Eh kaso nga lang, nag-iba na ng mag-collage na 'ko.

"What is so funny?" tanong no'ng babaeng bwisit.

"'Yong mukha mo. Laughtrip ka siguro kapag nakaharap ka sa salamin, 'no?" natatawang sabi ko.

Narinig ko naman na nag- 'OHH!' 'yong mga lalaking nakapaligid sa'min.

"Eh, ikaw? Para kang kaning puti. 'You're so plain."

Narinig ko ulit na nag- 'OHH!' 'yong mga tao sa paligid.

Napa-irap na lang ako. So lame.

"Ang kapal ng make-up mo. Ngayon lang ako nakakita ng clown sa campus."

"OHH!"

Tumawa naman s'ya. "Minsan paturo ako ng joke sayo. Mukha ka kasing joke. Mukha palang, natatawa na 'ko." Sabi n'ya.

"OHH!"

"HA-HA-HA, ang dami kong tawa sayo, mga tatlo. Patawa ka ka. Ngayon lang ako nakakita ng clown na mukhang owl." Nanlalaki na kaya mata n'ya.

"Ah, basta. Mukha kang paa." 'yon na lang nasabi n'ya.

"Ah, basta. Mukha kang bangkay. Sobrang puti mo na nga na parang wala ka nang dugo, tapos ang payat payat mong flat chested ka." Ang payat n'ya kaya, para s'yang kalansay.

"OHHHHHHHHHHHHH!" mas lumakas 'yong sigawan.

Nakita ko na na-iiyak na 'yong babae. "Ang sama ng ugali mo." Sabi n'ya.

Ako pa naging masama ugali ngayon?

O-kay, last na 'to.

"Sa'kin, ugali lang. Eh, sayo? Lahat." Medyo nilapit ko pa 'yong mukha ko no'ng sinabi ko 'yong lahat.

The Fita Love Story [One Shot]Where stories live. Discover now