Ser Chief and Maya: Maliit na Pagseselos

1.8K 3 1
                                    

OK, sabi ko diretso simbahan.. pero sa totoo lang.. may twist sa magiging kasalan nila Ser Chief and Maya... Eto na nga ang pinakahihintay nating araw... 

(back to Palawan)

"Richard, san mo naman ako balak pakasalan?" -Maya

"San pa ba, edi sa simbahan :)" -Ser Chief

"Kaw talaga Richard, di ka na natuto magjoke.. hehehe."

"Syempre, seryoso ako sayo eh ;)"

"Richard ha, mga moves mo..."

(kinikilig na sabi ni Maya)

"Hahaha! basta ako na bahala sa kasal natin :)"

"Naku, sabihin mo pagkailangan mo na ng tulong ha! Mahirap kayang magarrange ng kasal."

"Hehe, Maya alam na alam mo ah! :) Ano ka ba.. kaya ko ito.. ako bahala!"

"O sige na nga... I love you Richard :)"

"I love you too Maya..."

(sabay kiss sa cheeks)

 "Oo nga pala, ano nga ba sabi ng mga bata sa desisyon mo?"

"Boto naman sila sayo eh, you've been like a mother to them... Wala na silang angal ng mapagusapan namin ito."

"Sigurado kaba? Nagaalala ako... Baka mahirapan silang magadjust lalo na tinuring lang nila akong ate"

"Ano ka ba Maya, the kids loves you so much! You're caring, loving and kind... ofcourse, sweet and funny too ;)"

"Hmmm... hindi ko lubusang maisip na... magkakatuluyan din tayo... Napakasungit mo kaya!"

"Ganon ba talaga ako kasungit?"

"Oo kaya!"

"Sige ganito na lang, pangako ko sayo... Hindi na ako magsusungit ulit :) Ok ba yun?"

"Pangako yan?"

"Oo naman basta ikaw.. If you're there... I feel better and calmer... I love you so much Maya.. halika nga dito!"

(sabay yakap)

"Eeehh... Kaw talaga Richard! Ang cute cute mo talaga :)"

(sabay kurot sa pisngi)

 "Hmmm... dito ka lang lagi sa tabi ko ha..."

"Teka nga.. tara na magimpake na tayo.. babalik na tayong Manila kulit mo talaga Richard!"

"Hahaha! Ako pa talaga yung naging makulit ha!"

(biglang pasok ni Abby sa kwarto nila)

"Tita, someone called me... ikaw po ang hinahanap." -Abby

"Ha? Sino naman maghahanap sakin?" -Maya

"Baka naman si Emman?" -Ser Chief

Napaisip ng malalim si Maya. Sino kaya ang posibleng maghanap sakanya lalo na alam ng marami na nasa bakasyon sya kasama ng kanyang future husband.

"Baka naman... hay... ayoko na ngang isipin." -Maya

"Bakit, sino ba yun sa tingin mo?" -Ser Chief

"Wag kang magagalit, pero, baka kasi si Simon o si Captn. James yun eh. Sila lang naman ang hindi nakakaalam na nasa bakasyon ako."

"I'll talk to them Maya."

"Naku Richard, Wag na! AKo na bahala makipagusap ha. Wag mo ng alalahanin yun! :)"

Nakaramdam ng selos at maliit na galit si Ser Chief dahil sa hinala ni Maya. Ayaw nyang may makahadlang pa sa kasal nila. Natatakot sya at baka biglang magbago isip ni Maya.

"Maya, pangako mo na hindi mo ko iiwan." -Ser Chief

 "ANo ba yang sinasabi mo Richard, selos ka ba?" -Maya

"Hindi naman, basta pangako mo sakin na hindi mo ako iiwan."

"Opo, pangako hinding-hindi kita iiwan Richard!"

Nagimpake na ang Lim family at kanilang mga kasama. Nagenjoy ang lahat sa naging outing na iyon lalo na si Maya. Sa paglapag ng eroplano sa airport... may hinding inaasahan na tao ang darating at susundo kay Maya....

Ser Chief and Maya: Ang KasalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon