"Ate Lala, kailan pupunta si Ate Zav dito?" Napahinto ako sa tanong ng kapatid ko. Nilingon ko siya na kasalukuyang kumakain ng breakfast at halatang kagigising lang, kaya ang gulo-gulo pa ng buhok niya.Paalis na ako papunta sa school. Wala siyang klase ngayon dahil may program daw sa school nila. Ayaw niyang umattend dahil na-boboring daw siya. Hindi niya talaga hilig ang umattend sa mga ganyang event, kahit minsan required, hindi mo talaga mapipilit ang kapatid ko.
"I have to go, malalate na ako." Hindi ko na pinansin ang tanong niya at dumiretso na palabas.
Napabuntong hininga ako nangg tuluyang makapasok bago ko inistart ang sasakyan.
Simula pa noong isang araw, hindi nagpapakita si Zav. Ayaw ko mang aminin, but I know deep down into my bones that I miss her presence here.
Pagkatapos niyang matulog dito sa bahay noong huling bisita niya, nagprisinta pa siyang ihatid kami ng kapatid ko sa school. That’s right, hinatid din niya ako mismo sa school. Pero simula noong isang araw pa siya hindi nagpakita na madalas naman niyang ginagawa.
"Alca..."
"Baby Alca," napatingin ako kay Miles nang maramdaman ko ang hintuturo niya sa pisngi ko.
"Ayos ka lang?"
Tumango lang ako sa kanya. Nasa cafeteria kami ngayon. Katatapos lang ng klase namin at vacant na kami for the rest of the day dahil may meeting ang mga professor ngayon.
Uuwi na sana ako dahil wala na ring klase, pero hinila ako ni Miles papunta rito.
"Alca, hi," muli akong napalingon sa boses ng kung sino. Umupo ang dalawa sa table namin.
Teammates din ito ni Miles, pero hindi ko maalala ang mga pangalan nila.
"That's Paris Jade, and Ruby," bulong ni Miles sa akin.
"H-hello," nahihiya kong bati sa kanila. She just genuinely smiled at me, habang si Ruby naman ay parang bored lang na nakatingin sa mga studyante. Now that I could clearly see them up close, I can't deny how beautiful they are. I think I'm starting to believe that most of Miles' teammates are somehow popular in this school, dahil napapansin ko na may mga fans ang karamihan sa kanila.
Sila yung mga teammates ni Miles na masasabi kong hindi maiingay. Yung iba kasi ay opposite nila, more like katulad din ni Miles.
Naririnig kong nag-uusap si Miles at Jade pero hindi ko maintindihan dahil lumilipad ang isip ko ngayon sa isang tao.
I wonder kung anong ginagawa niya ngayon?
Hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala sa isip ko ang nangyari ng gabing iyon. It wasn't a dream, that's for sure. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.
I have never felt something like this before. Only for her. I like her. I like her, how a boy likes a girl. I like her romantically. Alam kong sobrang bilis, but that’s how I feel for her. Ilang araw ko ding pinag-isipan ang nararamdaman ko sa kanya—na baka infatuation lang ang lahat ng 'to. Na baka natutuwa lang ako sa kanya. Na baka kaya ko 'to nararamdaman dahil siya ang unang nagparamdam sa akin ng ganito. But no. I'm certainly sure of what I'm feeling for her.
I like this person.
I like Zav.
I never expected na magkakagusto ako sa kanya. To a woman, to be exact. Gosh, I've never imagined na dadating ako sa puntong 'to na magkakagusto sa isang tao.
Hindi ko alam ang gagawin ko, kung sasabihin ko ba sa kanya o ano. Naiisip ko pa lang na sabihin sa kanya ay pinangungunahan na ako ng takot.
Ayoko na ito ang maging dahilan para iwasan niya ako. Ayokong mangyari 'yon. As much as possible kailangan ko muna itong itago sa sarili ko.