⚜️Keelan⚜️
Hinatid ko din si Alia sa Military Detachment na nasa boundary ng Gubatnon at Valencia.
Kahit delikadong umalis pag umaga, kailangan ko muna isecure ang kaligtasan niya. Shes one of the medical mission personnel at ako ang Security Escort nila.
" Pero paano ka! mag-isa ka lang Sir, babalik ka dun ng walang kasama " bakas sa mukha niya ang pag-aalala sakin.
" I'm the soldier nurse Alia its my duty to protect the civilian and end insurgency "
" Pero Sir! "
" Bella needs you there. Wala siyang ni isang kilala dun maliban sayo. We have to protect her identity. " mahigpit niya hinawakan ang dalawang braso ko.
" Mangayo kang babalik ka ng ligtas! Promise me na walang mangyayari sayong masama " seryosong sabi niya pa sakin.
" Pangako.. Tawagan mo ko pag may nangyari masama. " binigyan ko siya ng papel na nakasulat yun sim number na dala dala ko pag nasa mission ako.
" Okay, mag-iingat ka Captain Arellano.. Antayin ka namin ni Bella "
Kailangan ko ng bumalik sa kweba at dun planuhin ano ang sunod kong hakbang para lipulin yun mga terorista. Kong hindi lang sana nasaktan si Bella matutulungan niya ako sa mga information na kailangan ko tungkol sa galaw nila dito sa Gubatnon.
*****
Pagkaahon ko sa loob ng kweba, isang riffle agad ang nakatutok sakin!
Agad kong inagaw yun at kinuha sa kanya.
" Sino kaa!! Bakit mo alam ang lugar nato!! Nasaan ang apo koooo!! " isang matandang lalaki ang nagtatanong na puno ng galit at pag-aalala sakin.
Sigurado akong kilala niya si Bella.
Binababa ko ang riffle na naagaw ko sa kanya bago mag salita.
"Si Bella po ba ang tinutukoy niyo? "
" Oo nasaan siya, anong ginawa mo sa kanyaaa! "
" Hindi po ako kalaban, I'm captain Arellano, scout ranger na nadistino rito tinulungan po kami ng apo niyo para makatakas sa mga rebelde noong isang Araw. " paliwanag ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
ARROWS OF THE FOREST
RomancePROLOUGE: Do you know what the most terrifying aspect of life is? Ito yun katotohan sa isang iglap pwedeng magbago ang lahat. Pwedeng masaya ka ngayon pero bukas hindi na. Pwede din buhay ka ngayon pero bukas pinaglalamayan kana. What are you scare...