Ang Bagong Mommy ni Jhun (kids)

26 1 0
                                    


May isang bata, ang pangalan niya ay Jhun. 

Makulit na bata si Jhun. 'Pag tinatawag siya ng mommy niya, lagi siyang nagtatago. 'Pag pinag-aaral siya ng mommy niya, lagi niyang sinasabi, "Mommy, inaantok na po ako!" Pag pinapakain naman siya ng mommy niya, sinasabayan niya ito ng laro, kaya't naaaa~pakatagal niyang matapos kumain!

Isang umaga, ginising siya ng kaniyang mommy, "Jhun, gising na, bilisan mo, papasok ka pa!" wika ng kaniyang ina.

"Ayokong bumangon, ayokong maligo!" pabalang na sagot ni Jhun.

"Gumising ka na Jhun!" wika muli ng mommy niya, "Gusto mo bang mahuli na naman sa paaralan at lumaking mahina ang ulo?"

Sa wakas, napabangon din siya ng mommy niya.

Ngumangawang nagpunta ng banyo si Jhun. Sa kaniyang pagligo, ikinalat niya ang kaniyang damit sa paligid. Pagkagaling sa banyo, tinakbuhan niya ang mommy niya at nagpahabol para mabihisan, at sa pagkain naman ay ang bagal na naman niyang ngumuya, iniwan pa niyang nakakalat ang kaniyang mga laruan sa paligid!

"Aray ko!" sigaw ng kaniyang mommy na nadapa sa mga nagkalat niyang laruang. "Ano ba naman 'yan, Jhun!" pagalit niyang tawag sa kaniyang anak. "Ilang beses ko ba'ng sasabihin sa 'yo na 'wag ikakalat sa daanan ang mga laruan mo?!" huminga nang malalim si Mommy. "Hay, nako! Dalian mo na nga at ma l-late ka na sa school!"

Pero imbes na magmadali, ay lalo pa ni Jhun binagalan ang kaniyang pagkilos.

"Ay nako Jhun, nananadya ka na naman ba?" tanong ng mommy niyang naiinis na.

"Ay nako Jhun, nananadya ka na naman ba?" sagot ni Jhun na ginagaya ang kaniyang mommy.

"Bilisan mo na at lumabas ka na ng bahay, kung hindi, tatamaan ka na sa akin!" sabi ni mommy na nauubusan na ng pasensya. "Isa! Dalawa!"

"Dalawa't kalahati! Tatlo!" pang-asar na dugtong ni Jhun habang patuloy na naglalakad nang napakabagal.

Sa sobrang inis ni Mommy, ay napalo niya sa puwet ang makulit na si Jhun!

"Um!"

"Aray!"

Naku! Galit na galit ang batang makulit!

"Mommy! Ayoko na sa iyo!" Wika ni Jhun nang pabalang. "Hahanap na ako ng bagong mommy!" sigaw pa niya, at patakbong umalis si Jhun ng kanilang bahay para maghanap ng bagong mommy.

Sa paglalakad niya, nakakita siya ng isang napakagandang babae. Mukhang bata pa ang mommy na iyon, makulay at maganda ang suot na damit, 'di tulad ng dating mommy niya na duster lang lagi ang suot, at lagi pang nakakunot ang noo.

"Eto ang gusto kong maging bagong mommy!" Sabi ni Jhun na nagmamadaling lumapit sa magandang mommy. "Sigurado ako, hindi ako sesermonan at papaluin ng bagong mommy kong ito!"

Tuwang-tuwa si Jhun sa bagong mommy niya, hindi nito sinisita ang bawat kakulitan ni Jhun, lagi lang siyang nagpapaganda sa harap ng salamin, at nangunguha ng selfie sa cellphone na palagi nitong bitbit.

Maya-maya pa ay kumulo ang tiyan ni Jhun.

Nagpunta siya ng banyo para magbawas. Nang matapos siyang dumumi, tinawag niya ang bago niyang mommy para hugasan ang kaniyang puwit.

"Mommy! Mommy! Tapos na po ako mag poo-poo! Hugasan niyo na po ang puwit ko!"

"Ha? Yuck!" nandidiring sagot ng kaniyang bagong mommy, "That's gross! Ikaw na ang maghugas sa sarili mo!"

Walang nagawa si Jhun kung hindi hugasan ang kaniyang sarili, at dahil maliit pa siya, ay nahirapan siyang buhatin ang punong tabo, kaya hindi nalinis nang maayos ang kaniyang puwit!

Mga Kuwento sa DilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon