Chapter 2

1.3K 34 12
                                    

CHAPTER 2


"KRYSTIN."


Hindi niya pinansin si Clayton. Tuloy-tuloy lamang siyang naglakad papalabas ng ospital.

"Krystin." Mariin nitong tinawag ang pangalan niya hanggang sa hinarang nito ang katawan sa harapan niya.

Seryoso niya itong tiningnan sa mga mata.

"Did you planned it?" Malamig na tanong niya.

Awtomatikong nagsalubong ang mga kilay nito.

"What are you saying?" Seryosong tanong nito.

Marahas siyang napabuntong-hininga.

"I can't believe that I am pregnant. That was just..." Halos hindi siya makapagsalita at masamang tiningnan ang binata.

Hindi niya napigilan ang sarili at basta na lamang itong kinalmot.

"Bakit ang bilis ng semilya mo?!" Malakas ang boses na sabi niya sa sobrang inis.

Hindi niya alam kung kanino siya naiinis ng sobra. Sa lalaking nasa harapan niya ngayon o sa mismong sarili niya. Bigla siyang natigilan nang makita ang ilang tao sa paligid nila na halos lahat ay nakatingin sa gawi nilang dalawa ni Clayton.

Nakagat niya ang ibabang labi at muli ay masamang tiningnan ang binata. Nilampasan niya ito at nag-martsa papalabas ng ospital. Kaagad siyang nagpara ng taxi pero mabilis din siyang nahila ni Clayton.

"Ano ba?!" Singhal niya sabay tabig sa kamay nito.

Napabuntong-hininga ito at tila nagpapasensyang tiningnan siya.

"Let's talk," mahinahon ngunit mariing sabi nito.

"Wala tayong dapat pag-usapan," mariing sabi niya.

Mataman siya nitong tiningnan sa mga mata sabay baba ng tingin nito sa tiyan niya. Muli nitong ibinalik ang tingin sa mga mata niya kasabay ng pag-angat ng sulok ng labi nito.

"Wala tayong dapat pag-usapan? You're carrying my child inside your fucking womb, Krystin. Naduduwag ka na naman ba? What? You want to run away again?" Malamig at seryosong sabi nito sabay hawak sa pulsuhan niya sa mahigpit na paraan. "Sa ayaw o sa gusto mo, mag-uusap tayong dalawa dahil anak ko ang nasa sinapupunan mo," anito na pinagdiinan pa ang salitang anak.

Inis na inis na muli niyang tinabig ang kamay ng binata at naglakad patungo sa kotse nito. Pumasok siya sa loob at padabog na sinara ang pinto ng kotse dahilan para lumikha iyon ng malakas na tunog.

Nagrerebelde ang puso na sumandal siya sa kinauupuan. 

"Bring me to your house," aniya nang maka-puwesto ang binata sa driver's seat.

"Why? Ready to move in into my house?" tanong nito habang kinakabit ang seatbelt.

Masama naman niya itong tiningnan.

"I won't live with you in the same roof. Hindi tayo magkakasundo at mas lalong hindi tayo talo," nakasimangot na sabi niya.

"Ikaw palagi ang nag-uumpisa ng away sa tuwing nagkikita tayong dalawa." May sarkasmo sa boses nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 02, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

His Sweet Touch (Available on Nobelista this February 2024)Where stories live. Discover now