Prologue

94 5 0
                                    

LOvE WaR

Sa lahat ng pagkakataon di mo inaasahan ang mga bagay-bagay na darating sa buhay.Ang lahat ng mga bagay na yun ay may mga dahilan.

Same as love,bigla mo na lang mararamdaman na mahal mo ang isang tao kahit opposite siya sa ideal guy/girl mo.

Bigla na lang darating o mararamdaman ng di mo inaasahan.

Mga pagkakataong sa una pilit mong itinatanggi.Pero ano nga ba ang magagawa mo kung mismong puso mo na ang nagsasabi at mismong nagdidikta sayo na siya na talaga ang para sayo.

May pagkakataong masasaktan ka pero ano ba ang magagawa mo?

Lumayo?Lalayo ka pero ikaw din ang nagpapahirap sa sarili mo sa paglayo mo.

Kalimutan?Ngunit ang isip mo naman ang ayaw makalimot at pilit ibinabalik ang mga nakaraang gusto mo ng makalimutan.

Magmahal muli?Paano ka magmamahal kung siya at siya pa rin ang itinitibok ng puso mo.

Sa lahat ng pagkakataong ito,isa lang naman ang pwede nating gawin.Di mo alam kung saan magsisimula ang gulo.Di mo rin alam kung sino ang makakaharap mo sa mga dadaan mo.Kung kaya't maging handa ka sa lahat ng bagay na masasalubong mo.

Hindi lahat tamis ang LOVE may pait at paghihinagpis.

Wala kang ibang magagawa kundi laging maghanda ng Bala tuwing sasabak sa gyera.

Love War (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon