Fight XVI

12.8K 506 7
                                    

REN POV

Pauwi na ako sa bahay kagagaling lang sa trabahao para makatulong kila Mama at Papa. Napatingin ako sa relo ko.

" Alas dies na pala " sabi ko sa sarili ko kaya nagmadali na akong maglakad patungo sa terminal ng jeep.

Madilim sa lugar na dinadaanan ko at walang taong dumadaan. Nangingilabot tuloy ako.

" Hi Miss " napatingin ako sa likudan ko.

May nakita akong tatlong kalalakihang kabataan na mukhang manyak.

Binilisan ko ang paglalakad ko dahil sa kaba kong nararamdaman. Pinagpapawisan ako ng malamig at kinikilabutan ako.

" Miss wait lang " bigla nila akong hinawakan sa wrist. " Gusto lang namin makipagkilala sa magandang katulad mo " sabi nito.

" Kailangan ko ng umalis " palag ko saka tumakbo ng mabilis pero dahil mas mabilis sila sa akin ay pinalibutan nila ako.

" Please wag nyo akong gawan ng masama " naiyak na ako pero tinawanan lang nila ako.

" Maglalaro lang naman tayo " sabay hawak ng may pulang damit kaya iniwas ko kaagad ang balikat ko.

" Aalis na ako " lalakad na ako ng harangan nila ako.

Kailangan kong lumaban ngayon dahil kung hindi baka may mangyari sa aking masama. Hindi na ako matutulungan ni Cyrax. Kahit isagaw ko ang pangalan nya hindi nya ako maririnig. Kahit marinig man nya ako, hindi nya ako pupuntahan.

" Alam mo ang ganda mo " hinawakan ng nakagray na damit yung buhok kaya agad kong pinalipit ang kamay nya papalikod.

Sumigaw sya sa sakit pero may humila sa buhok ko. Hinila ako ng nakakulay itim na damit papalayo sa nakakulay gray kasabay ang pagsuntok sa akin kaya agad akong napatumba sa sahig. Tumayo ako kaagad.

" Eto ang masarap, palaban. Siguradong wild ang mangyayari " sabi ng nakakulay Red.

May humawak bigla sa magkabilang braso ko. Pumalag ako pero mas malakas sila. Nakatanggap ako ng paninikmura sa nakakulay Red.

Naramdaman ko na ang paghirap sa paghinga at lasang dugo sa loob ng bibig ko. Napaluhod na ako sa sahig. Hinawakan nila ako sa buhok para itaas ang mukha ko.

" Maganda ka pa rin naman " sabi ni nakakulay Red kasabay ang paghalik sa akin.

Nandidiri ako sa ginagawa nya pero wala akong magawa. Kahit pumapalag ako nakahawak pa rin sila sa akin. Nanghihina na ako.

" Shit! Lalaki sya " bigla sabi ni nakakulay Red ng ipasok nya ang kamay nya sa loob ng damit ko.

Napangisi naman ako at natawa ng mahina.

" Pakawalan ....nyo na ako.... Lalaki..ako... Please " nahihirapan kong pakiusap sa kanila.

" Tangna! " mura nya pero bigla nyang hinawakan ang ibaba ko.

" Please... Please " naiiyak kong sa sabi.

" Pwede ka na ring parausan " ngisi nito sa akin.

Mas lalo akong umiyak sa ginawa nya. Ipinikit ko na lang ang mata ko pero patuloy pa rin ang pagluha ko. Nakakadiri ang ginagawa nila.

" Cyrax.... Cyrax..... Cyrax.... " mahina kong banggit sa pangalan nya. Umaasang baka dumating sya.

Wang! Wang! Wang!

" Shit! May curfew pala ngayon " sabi ng nakakulay black at mabilis na silang umalis.

Pinilit kong tumayo pero bumagsak uli ako sahig. Nanlalabo na rin ang mata ko ng may maaninagan akong mga paang papalapit sa akin pero tuluyan na akong nawalan ng malay.


I Can Fight Him Back (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon