REN POV
Niyakap ko ang tuhod ko at idinukdok ang mukha ko. Nandito ako ngayon sa kama ko, nakaupo. Natatakot ako na baka paglabas ko panibagong pasakit na naman ang kahihinatnan ko. Isang linggo na rin akong nakakulong dito sa loob ng kwarto. Lumalabas lang ako kapag kakain na. Natatakot ako.
Tok. Tok. Tok.
Napahigpit ako ng yakap sa mga tuhod ko. Wala sila Mama at Papa ngayon sa bahay. Si Terrence nasa school. May posibilidad na baka may pinapunta uli si Victor para patayin ako. Yung muntikan na akong magahasa, si Victor ang may pakana ni 'yon.
Tok. Tok. Tok
Lumalakas ang bawat katok sa pintuan ng kwarto ko. Nag-uunahan na naman ang mga luhang lumalabas sa mata ko.
Cyrax. Cyrax. Ilang beses ko na bang tinatawag ang pangalan nya para hindi ako makaramdam ng takot. Mahal ko sya. Mahal na mahal ko sya hanggang ngayon. Gusto ko na sana nasa tabi ko sya.
Tok. Tok. Tok
" Please.... Tigilan nyo na ako " iyak kong sabi.
" Ren... " napatingin ako sa pinto. Si Jae lang pala. Si Jae na nasa tabi ko palagi. Si Jae na nag-aalala sa akin. Si Jae na may alam sa tunay na nangyari sa akin.
" Jae " tawag ko sa pangalan nya. Lumapit sya sa akin at hinagkan ako.
Mahigpit ang pagkahawak ko sa kanya na para bang ayaw ko na syang paalisin sa tabi ko. " Jae, si Cyrax. Ayos lang ba sya? Wala naman nangyari sa kanya ngayon diba? " tingin ko sa kanya.
Natatakot ako na baka totohanin ni Victor ang sinabi nya sa aking papatayin nya si Cyrax.
" Ayos lang sya " sabay punas nya sa luha ko.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi nya. Masaya na ako na malaman kong ayos lang sya. I know na masaya sya sa piling ni Tracy. Masakit man pero kaya kong magtiis para sa ikakabuti nya.
" Wag ka ng masyadong mag-isip. Kailangan mo munang magpahinga " sabay yakap nito sa akin.
Ipinikit ko ang mga mata ko at sinubukang matulog pero hindi ko magawa. Lagi kong naaalala ang pangbababoy na ginawa nila sa akin.
" Ren.. " awtomatiko akong napadilat sa boses na narinig ko.
Si Cyrax. Nasa tapat sya ng pinto.
Ipinikit kong muli ang mata ko at dumilat. Hindi ito panaginip. Nandito nga sya. Binanggit nya ang pangalan ko.
" Shit! " narinig kong sabi nya saka lumabas muli sa kwarto ko.
Tumulo uli ang luha ko. Mali na naman ang iniisip nya. Gusto ko syang sundan pero wala akong lakas. Ano ang sasabihin ko sa kanya? Ano ang ipapaliwanag ko kung bakit ko kayakap si Jae? Hindi madaling sabihin na nandito si Jae para damayan ako dahil muntikan na akong magahasa. Oo bakla lang ako pero may dignidad pa rin ako.
" Magpahinga ka muna Ren. Ako na bahalang makipag-usap sa kanya " sabi ni Jae saka lumabas ito sa kwarto ko.
~
CYRAX POV
Nagmadali akong pumunta sa bahay ni Ren pero shit lang. Iyon pa ang makikita ko. Akala ko magiging ayos na kami pero huli na.
" Wait lang pre " habol sa akin ni Jae.
Huminto ako saka sya hinarap. Kita ko sa mata nya ang galit sa akin pero para saan? Dapat nga insultuhin nya ako dahil nakuha na nya na sa akin ang pinakamamahal kong si Ren." Alagaan mo sya ng mabuti. Mahalin mo rin sya higit pa sa pagmamahal na ibinigay ko sa kanya. Ipanauubuya ko na si Ren sa'yo " sabi ko sa kanya pero nakatanggap ako ng suntok sa kanya.
Napahawak ako sa gilid ng labi ko at pinunasan ang dugong tumutulo. Agad ko syang kinuwelyuhan dahil sa ginawa nya.
" Fvck you! " sigaw ko saka ko rin sya sinuntok sa mukha. Napaupo naman sya sa damuhan.
" Fvck you more pre " sabay tayo nya at dinura ang dugong nasa loob ng bibig nya.
Inayos nya ang kwelyong hinawakan ko. " Wala akong karapatan makialam sa relasyon nyong tapos na pero ayaw kong makitang nahihirapan si Ren. Mas mahal ka nya kaysa sa akin. Mas masaya sya kapag kasama ka nya. Mas nasayo ang atensyon nya kapag kapiling ka nya. Fvck you for being stupid dahil hindi mo nakikita na mas lamang ka sa lahat pagdating sa kanya "
Hindi ko maintindihan ang gusto nyang iparating kaya nanahimik lang ako at hinihintay ang kasunod nyang sasabihin.
" Si Ren lagi syang nakakatanggap ng Death Threat pero ni minsan hindi nya sinabi sayo kasi mas gusto nyang ligtas ka kaysa sa sarili nya "
Death threat? Wala nga syang sinasabi sa akin na kahit ano tungkol sa nagbabanta sya sa kanya.
" Nang nakita mo kaming magkayakap noon sa tapat ng bahay nila. Mayroon nangyaring masama sa kanya. He kidnapped by someone na hindi namin kilala. Kinuwento nya ang lahat sa akin. Tinapatan sya ng baril at pinagtanggkaang papatayin "
" Bakit hindi nya sa akin sinabi? " may pagkadismayado ang aking boses.
Ako ang boyfriend nya. Ako ang dapat makaalam sa lahat nangyayari sa kanya.
" Tan6 ina mo pre " kinuwelyuhan nya ako pero agad ko iyong inalis. " Dahil hindi mo alam kung gaano kahirap sa side nya. Sabi ng mga kidnapper na layuan ka nya pero ayaw nyang sabihin sa'yo dahil baka sa oras na malaman mong ikaw ang dahilan kung bakit nanganganib ang buhay nya. Baka layuan mo nga sya kaya hindi nya sinubukang sabihin sa'yo. Natatakot sya na mawala ka sa tabi nya " bulyaw nya sa akin.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko? Ang sunod kong itatanong sa kanya dahil natatakot ako na baka may mas malala pa sa kanyang nangyari. Natatakot ako na wala akong nagawa para sa kanya. All this time, puro ako lang ang inintindi nya. I'm so selfish na pinagdaduhan ko pa sya.
" Gusto ko mang pumalit ako sa puso ni Ren pero alam kong di mangyayari iyon. He love you so much but you hurt him so much "
" Shit ang tanga ko! " suntok ko sa pader na nasa gilid ko. Ayaw ko mang umiyak pero kusa ng tumulo ang luha ko. Sobra ko ng nasasaktan si Ren.
" Please help Ren to forget what happened to him. Masyado na syang depressed sa nangyari sa kanya. Kailangan ka nya Cyrax ngayon. Kailangan ka ni Ren " napatingin ako sa kanya. " Muntikan na syang magahasa "
Muntikan na syang magahasa.
Muntikan na syang magahasa.
Muntikan na syang magahasa.
Paulit-ulit sa utak ko ang sinabi ni Jae na nagpahinto sa mundo ko. Nakaramdam kaagad ako ng galit at poot sa puso ko sa taong gumawa sa kanya niyon. Gusto ko silang patayin!
" Puntahan mo na sya. Kailangan ka nya ngayon " sabi ni Jae saka ako tinapik sa braso.
Mabilis akong tumungo sa kwarto ni Ren. Nakita ko syang nakayakap sa sarili nya habang nakadukdok sa tuhod. Naririnig ko ang paghikbi nya.
" Cyrax.. Cyrax. Cyrax " narinig ko ang pagbanggit nya sa pangalan ko kaya unti-unti akong lumapit sa kanya.
Itinaas naman ni Ren ang kanyang ulo at nabigla ng nakita ako. Umupo ako sa tapat nya at pinunasan ang luha nya at bigla nya akong niyakap kaya napahiga ako sa kama. He cried sa loud na parang bata na may kinakatakutang multo.
" Cyraxxx.. Cyraxxxx.. " banggit nya sa pangalan ko habang umiiyak. Niyakap ko lang sya ng mahigpit.
I miss him. I miss him so much.
" Nandito lang ako. Hindi na kita iiwan " malumanay kong sabi habang hinahagod buhok nya.
" Nandito ka na..... Hindi ako iiwan.... Kasi.. " ramdam ko ang antok sa boses nya. " Paniginip lang ito... "
Hinigpitan ko na lang ang yakap sa kanya. Sisiguraduhin kong pag-gising nya ay malalaman nyang hindi ito panaginip.
✏ junjouHeart