Chapter 20: Canes
Nakasakay na kami ngayon ng karwahe patungong Thalindra ng mga Sentinel kung saan ang una kong napuntahan sa Solstice. Nasa gitna naman ako naka-upo habang nasa bawat gilid ko si Kura at Fuma na palaging naka hawak sa braso ko.
Suot ko naman ang bistidang pinili mismo ni Kura sa akin, bigla nalang itong pumasok sa aking silid at namili ng damit... hindi, namili ng kulay dilaw na damit. Ang dahilan niya, 'para twinny tayo, Haruka!' pinigilan ko nalang wag magreklamo at tumango sa sinabi niya ngunit...
"Bakit ba kasi gaya-gaya ka?" malakas na saad ni Kura kay Fuma.
"Bakit ba kasi hindi mo sinabi?" sigaw naman niya pabalik.
"Hindi na kami twinny!" Kura exclaimed. Parang bata itong napapadyak sa kanyang paa na para bang inagawan ng kendi.
"We're triplets!" sigaw muli ni Fuma sa kanya.
Malakas akong napabuntong-hininga at tumingin nalang sa harap. Pag-kakita ni Fuma na parehas ang kulay ang suot namin, agad itong bumalik sa kanyang silid at nagpalit ng dilaw na damit. Para kaming sisiw na nakikita ko sa bahay ni Ginang Emi maliban sa roba ng Cronus na suot parin namin ngayon.
Pagkarating namin sa Thalindra agad kaming nag-bayad sa kutsero at nag-pasalamat. Patuloy parin sa pagbabangayan si Kura at Fuma ngunit hindi ko nalang ito pinansin at blankong nakatingin sa harap.
"Saan natin mahahanap si Sora?" tanong ko sa kanilang dalawa habang patuloy parin sa paglalakad.
"Ang alam ko may opisina si Sora sa loob." sagot ni Fuma.
"Mag-tanong nalang tayo!" segunda naman si Kura.
Nang makapasok, agad akong tumingin sa paligid. Gaya parin naman ito ng dati, may ilang nakaputi ang roba na naglalakad habang ang ilang Sentinel na gaya namin pagala-gala. Una naming pinuntahan ang isang babae na ang suot ay kagaya ng sinuot ni Sora nong unang kita ko sa kanya.
"Hi, can we ask question po?" tawag pansin ni Kura sa kanya.
Lumingon naman ito sa amin at ngumiti. "Yes, what is it?"
"Can we talk to Sora? We need to ask something po sana." Kura responded.
Ngumiti naman ang babae. "Sora is at her office. Deritso lang kayo sa pasilyong ito at lumiko pakanan. Find the door that has her name above, that's her office." sagot niya.
"Thank you!" magiliw na saad ni Kura sa kanya.
Sinunod naman namin ang sinabi niya. Lumiko kami pakanan at hinanap ang pangalang Sora sa bawat pinto hanggang sa nakita namin ito. Kinatok ito ni Fuma at may sumagot naman sa loob kaya dahan-dahan niya itong binuksan.
Bumungad naman si Sora na naka-upo habang may ginagawa. Inangat niya ang kanyang tingin at nagulat pa ng makita kami.
"Oh?... what brings you here? And Haruka it's so nice seeing you. Have a sit." saad niya sa amin.
Umupo naman kami sa upuang nandito. "May kailangan lang akong itanong sa'yo." sagot ko sa kanya.
"Kinakabahan naman ako sa uri ng tingin mo. Ano 'yon?" tanong niya.
"Nandito pa po ba 'yong damit na sinuot ko ng dinala ako nina Kazu... Captain Kazuki dito?" deritso kong tanong.
Agad naman itong umiling. "I didn't tell you before? I already threw it. Why?" nagtataka niyang sagot.
Patago akong napabuntong-hininga, "Nothing. Itatago ko sana ang damit kung meron pa." tanging sagot ko.
"'Yon lang ba ang itatanong niyo sa akin?"
BINABASA MO ANG
Verdentia Empire: Endless Rebirth
FantastikIn the outskirts of the Verdentia Empire lies a humble town named Eldoria, teaming with peasants and commoners. A peasant who was abandoned by the capital and criticised by the nobles and royalty. Among them is Haruka. Unlike other people from their...