Hindi tayo itinakda

16 0 0
                                    

Namimiss ko yung mga araw na ititigil natin kung ano man ang ginagawa natin dahil nagmamadali tayong sagutin ang tawag at text ng isa't isa. Mga araw na todo pa-impress para lang hindi ma-turn off. Yung mga araw na, ayaw natin magpa talo sa "I love you fight" yung I love you too, nagging I love you more, most, forever, fiveEver, sixever kasi gusto natin ipakita na mas nagbibigay tayo ng pagmamahal. Yung mga araw na hindi natin kayang mabuhay sa isang araw na hindi nagkikita. Yung mga araw na umaabot tayo ng ala singko ng umaga sa haba ng pinag uusapan natin kapag nag uusap tayo sa telepono. Yung mga araw na hindi na tayo mapag hiwalay. Yung mga araw na hindi natin napapansin na ang bilis ng oras kapag magkasama tayo. Yung mga araw na pahabaan ng good morning at good night texts. Yung mga araw na bigla nalang mag sesend ng love quotes out of the blue. Yung mga araw na nag iisip tayo kung anong theme song natin, kung anong gusto nating pangalan ng mga anak, ilan, itsura ng magiging bahay natin. Yung mga araw na excited na excited tayong mag pakasal na. Yung tatanungin kita, "tara pakasal na tayo" tapos sabay nating maaalala, "ay bawal pa, after nalang ng graduation." Nakaka miss yung mga araw na umiikot lang ang mundo natin sa isa't isa.

Dahil ngayon, kabaligtaran na ang lahat.

Yung I love you more, most, forever, etc naging Love you o labyu nalang. Yung pagmamadali nating sagutin ang tawag ng isa't isa ngayon ipinapa walang bahala nalang natin at ipinag papatuloy kung ano man yung ginagawa natin kasi kaya naman nating gumawa ng excuses pagkatapos. May mga araw na kahit hindi magkita okay lang. Mga araw na alas dyis palang magpapaalam na tayo sa isa't isa na kunwari matutulog na pero ayaw lang mag paistorbo sa gagawin nating iba. Mga araw na nakakalimutan ng mag good morning at good night message o kung meron man, "morning. Love u" nalang. Halatang napilitan lang mag text para masabing hindi nakalimutan. Napapadalas ang away, sigawan, murahan. Napapadalas ang hamunan ng hiwalayan, iyakan, pataasan ng pride, at hindi pansinan. Di nag tagal nagkakasawaan at nasasanay na sa ganung sistema. Sanay ng wala ang isa't isa, hindi kausap ang isa't isa. Hanggang sa mag uusap nalang at magkakasundong tapusin nalang lahat dahil wala din naming patutunguhan.

Sino ba namang mag iisip sa una palang na mag tatapos din pala ang lahat. Maibabasura lang pala ang lahat. Tatanggapin na, hindi tayo ang para sa isa't isa at may nakatakdang iba para satin at hindi tayo yun.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hindi tayo itinakdaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon