Chapter 10: First Day As A Maid
Written by BlackRavenInk16KINAKABAHAN si Rio habang pinapasadahan siya ng tingin ni Donya Agatha. Ang amo ng mama niya na nagsuggest na siya muna ang pumalit dito pansamantala. Mulo ulo hanggang paa kasi ay tinitingnan siya nito kaya talagang kinakabahan siya.
Isa pa, sobrang ganda nito. Ang pagkakaalam niya, nasa 50s na ito pero mukha pa rin itong batang tingnan. Maputi, matangkad at sexy pa rin kahit may edad na. Kumbaga, hot mama.
"In fairness ang cute mo, ha. Ang gandang bata pala ng anak ni Aling Susan," sabi nito.
"Salamat po," nahihiyang sabi niya. Para masabihang cute ng isang magandang tulad nito, sobrang laking compliment no'n para sa kanya.
"Pero hindi mo naman siguro gagamitin ang gandang 'yan para mang-akit ng mga lalaki, hindi ba?"
Natawa lang siya sa sinabi nito.
"Madam naman, 16 years old pa lang po ako. Wala pa po sa isip ko ang pakikiboyfriend, mang-akit pa kaya ng lalaki? Ni wala nga pong nanliligaw sa akin," sabi niya.
Confident naman siya sa bagay na iyon. Kahit lihim siyang may crush kay Sir Gabriel, hanggang doon na lang iyon. Masyado itong unreachable para sa kanya. Alam naman niya kung gaano kataas ang langit sa lupa.
"Sabagay. Wala namang hilig sa nene ang tatlong iyon. You're too young for them." Parang sarili lang nito ang kausap nito.
"Okay, from now on, ikaw na ang magiging personal maid nilang tatlo. Hindi mo kailangang linisan ang vicinity kung saan sila nakatira rito sa mansyon dahil may mga katulong naman na maglilinis tuwing umaga kaya makakapasok ka pa rin sa school. Pero hindi stay in ang mga iyon at kapag sabado at linggo, rest day nila kaya ikaw ang gagawa ng mga gawain nila sa araw na iyon. Pambawi sa weekdays na pumapasok ka sa school. Ang gagawin mo lang, linisan ang kwarto ng tatlong magkakapatid kapag umaga at bago ka pumasok sa school. At kapag nandito sila na nandito ka rin, susundin mo ang kahit na ano'ng pinag-uutos nila, nagkakaintindihan ba tayo?" sabi na nito.
"Yes po, Donya Agatha! Makakaasa po kayo! Masipag po ako at hindi ko po hahayaang madumi ang mga kwarto nila!" nakangiting sabi niya.
"Huwag kang mag-alala, palagi namang wala ang tatlong iyon kaya wala kang masyadong gagawin. Iyon nga lang, dahil hindi stay in ang mga katulong, maaaring magkaroon ng pagkakataon na mag-isa ka lang dito sa vicinity nila lalo kapag wala silang tatlo. Ayos lang ba sa 'yo 'yun?" tanong ni Agatha.
"Wala pong problema, ma'am, hindi naman po ako takot sa multo!" pagbibiro niya.
Natawa naman ito sa sinabi niya.
"Mabuti kung gano'n. Huwag kang mag-alala, kahit walang multo, wala ring aaswang sa 'yo rito. Hindi interesado sa mga kagaya mo ang tatlong magkakapatid. Matataas ang taste nila sa babae kaya kahit kayo lang dito, malabong may gawin ang mga iyon sa 'yo," sabi pa nito.
Wow, simpleng lait ba iyon? So mababang klase pala siya. Naniwala pa naman siya sa sinabi nito kanina na cute siya.
Iyon lang at dinala na siya ni Donya Agatha sa lugar kung saan nananatili ang magkakapatid. Dalawang floor lang ang building ng magkakapatid pero mataas ang mga pader at malawak iyon. Nasa ibang area naman ang mag-asawang Agatha at Don Lucio. May seperate area din para sa mga maids.
Sa lawak ng mansyon ng mga de Luca, kahit nasa iisang lugar lang ang magpapamilyang ito, napapaisip siya kung nagkikita-kita pa kaya ang mga ito. Maliban lang siguro sa tatlong magkakapatid dahil nasa iisang building lang ang mga iyon.
"Sa 2nd floor, may apat na kwarto. Ang tatlo roon, kina Leandro, Enrique at Gabriel at may isang kwarto na mas malaki, ang guest room. Dito naman sa baba, narito ang living area, kitchen, garden at swimming pool. Nasa likod ng kitchen ang magiging kwarto mo. Kahit ano'ng mangyari, bawal kang umakyat sa kwarto ng tatlo dahil magagalit ang mga iyon. Pwera na lang kapag kailangan mong maglinis sa umaga. Kapag sabado at linggo na narito sila, ikaw ang nakatokang maglinis at magluto para sa kanila." Mahaba ang instructions ni Donya Agatha at sinisiguro niya na lahat ng sinasabi nito ay tinatandaan niya.
Hindi siya maaaring magkamali dahil alam niya na mapapahiya ang mama niya kapag tatanga-tanga siya roon.
Pero sa totoo lang, naaamaze talaga siya sa hitsura ng bahay na tinitirhan nina Sir Gabriel. Doon niya narealize na talagang nasa magkaibang mundo sila ni Sir Gabriel.
Kahit saan siyang lumingon, puro karangyaan ang nakikita niya. Puro marmol ang sahig, purong puti ang mga pader na may mga paintings pa at kumpleto rin sa gamit. Sobrang laki rin ng tv sa sala ng mga ito at may ps5, switch, xbox at iba't-ibang console pa. May mga libro at magazine pa roon. Kahit sino sigurong maging bisita roon ay hindi maiinip. Kahit carpet na lang ng mga ito, mukhang mamahalin din.
"We will have a family dinner later kaya mame-meet mo na sila. And one more thing, don't talk or look at them straight in the eyes unless they say so. Understand?"
"Sige po, ma'am. Wala pong problema. May mga tips na rin naman pong naibigay sa akin si Mama tungkol sa mga dapat at hindi ko po dapat gawin kapag nandito ako kaya wala na po kayong dapat isipin pa. Alam ko po kung paano gagawin ang trabaho ko," sabi niya ng nakayuko.
"Good. Pumunta muna tayo roon sa building namin ng asawa ko. Ipapakilala kita sa ibang mga katulong."
Iyon lang at umalis na muna sila roon sa bahay ng de Luca brothers.
Kinakabahan siya pero at the same time ay excited. Kahit nandoon siya para mangatulong, to think na mararanasan pa rin niyang tumira sa ganoon kaganda at kalaking bahay ay sapat na para manabik siya. Nasanay siyang mainit sa bahay pero sa bahay ng mga de Luca, kahit saang sulok ng bahay may aircon!
- To Be Continued...
BINABASA MO ANG
Made for 3 (SPG) Obsession Series # 7 COMPLETED.
Romance3 brothers, fell in love with one innocent girl. Makakaya bang tanggapin ng pride nila na umibig sa isang katulong? At kalahati pa ng edad nila!