Hindi ko alam kung matutuwa ako o masisiraan ng ulo pagkagising ko. Bukod sa kulang ako tulog ay hindi mawala sa isipan ko ang nakita kagabi na parang sirang plaka na paulit-ulit nag p-play sa utak ko.
"Ayos ka lang? Lalim ng eyebags mo ah." Aileen chuckled.
Inirapan ko siya at tumayo sa higaan namin bago lumabas ng tent. Maaga pa kaya naman hindi masakit sa balat ang init ng araw, malamig rin ang simoy ng hangin.
Nag-inat ako at bahagyang kinusot ang mata bago iminulat. Ngunit muntikan akong mapatili ng makita sa harapan ko si Dalton at nakataas ang isang kilay sa akin.
Namilog ang mata ko at ginawang panakip ang buhok sa mukha at mabilis na kumaripas ng takbo papasok ng mansion.
Bakit ko ba nakalimutang nandito siya?
Halos sabunutan ko ang sarili ng makitang mukhang pugad ng ibon ang aking buhok at bahagyang namumugto ang mata dahil sa puyat. May kaunting tulo pa ako ng laway sa gilid ng labi.
Shit! nakakahiya!
Agad akong nag-ayos at mabilis na pinusod ang buhok bago lumabas. Dumiretso muna ako ng kusina para uminom ng tubig dahil piling ko nanunuyot ang lalamunan ko sa dami ng nangyayari.
"Why are you running?"
Agad akong nabilaukan ng marinig ang malalim na boses sa aking likod. Napaubo ako at napahawak pa sa lalamunan. Bakit ba puro kamalasan nangyayari sakin?!
"A-Ano ba! bakit ka nanggugulat?" naghihisterikal kong sabi pero sinimangutan niya lang ako.
"Bakit ka tumakbo?" ulit niya sa tanong.
Lumabi ako at inirapan siya bago tinapos ang pag-inom. "Ang panget ko tapos haharap ako sayo? hah! dapat lagi lang akong maganda sa paningin mo." ngumisi ako sakanya pero binigyan niya lang ako ng pamatay na irap.
Hinablot niya sa kamay ko ang basong hawak at nagsalin ng tubig bago uminom 'don. Nanlaki naman ang mata ko sa gulat sa ginawa niya.
"H-Hoy! baso ko yan!"
"And?" tamad niyang sinabi at pinahiran ang labi gamit ang likod ng kamay niya.
"Uminom ka 'don, tapos uminom ako.." pahina ng pahina ang boses ko na parang naiisip na walang sense ang pinagsasabi ko.
"Does it matter? we already kissed, Adee." nagkibit balikat siya at sumandal sa counter bago humalikipkip.
Nanlaking muli ang aking mata at nagulat sa bulgar niyang salita. "Kailan ka pa naging matapang hah?!"
Bumuntong hininga siya at hindi ako pinansin bagkos ay umayos siya ng tayo at tinalikuran ako.
Nanlaki ang butas ng ilong ko at idinuro siya. "T-Teka! Saan ka pupunta? hindi pa tayo tapos mag-usap!" tawag ko pero parang wala lang at mabilis siyang lumabas ng kusina.
Inis akong napasabunot sa sarili. Nababaliw na yata ako.
Buong araw ay badtrip ako dahil sa kakulangan ng tulog at dahil kay Dalton na parang pinag-tritripan ako mula kanina pang umaga.
Parang bumaliktad ang sitwasyon at siya naman ngayon ang namumwisit sakin. Pero imbis na matuwa ay nabuburyo lang ako dahil talagang nakakainis ang mga pinaggagawa niya.
Hindi ko alam kung sign ba 'to na magkakaroon na ako o talagang badtrip lang talaga ako dahil kulang ako sa tulog.
"Really, Adee. You should see yourself in the mirror, you look like a cute baby panda." umangat ang sulok ng labi niya habang nakatingin sa iritado kong itsura.
BINABASA MO ANG
Their Unrequited Love
RomanceA spoiled brat Faith Adee Zcheinder is known as a party girl and a chick girl magnet. She can get anything she wants, even boys in their university. But a college boy named Dalton came into the picture. A cold and mysterious man that has his own wo...