Chapter 12: de Luca Brothers
Written by BlackRavenInk16"Ate Sole, kumpleto na ba raw sila sa dining area? Tinatanong ni Aling Ising para madala na raw iyong mga pagkain sa lamesa," tanong ni Rio sa maid din ng mga de Luca roon na si Soledad.
Pinakilala ni Donya Agatha ang mga katulong sa kanya roon kanina. Kapag daw may family dinner ang mga de Luca, dapat daw tutulong din siya. Ngayon daw, ipapakilala na sa kanya ang mga amo na paglilingkuran niya. Nakamaid uniform na nga siya.
"Wala pa girl! Hindi pa nadating si Sir Leandro. Gano'n talaga iyon, palaging late sa family dinner," sabi nito.
Sa mga katulong doon, si Soledad ang pinakamalapit ang edad sa kanya kaya kanina no'ng pinakilala siya rito, parang nagclick agad sila as friends. Matanda lang ito sa kanya ng limang taon pero hindi niya ito makakasama as stay in sa vicinity ng de Luca brothers dahil dito ito naka assign sa building ng mag-asawang Don Lucio at Donya Agatha nagtatrabaho. Pero kasama ito sa mga maglilinis sa bahay ng de Luca brothers tuwing weekdays na may pasok siya.
"Wala pa pala siya e, bakit nandito ka Ate Soledad? Ikaw ha, nagchi-chill ka. Isusumbong kita kay Manang Amanda!" tukoy niya sa masungit na mayordoma roon.
"Ay, sumbungera, gusto mo hindi na tayo friends? Huwag kang KJ, Rio! Matuto ka ring magrelax! Alam mo bang ang pagnakaw na lang ng tingin sa de Luca brothers ang nagpapagaan ng pakiramdam ko rito, pipigilan mo pa ako? Grabe, ang gagwapo nila girl!" kinikilig na sabi nito.
Napatingin tuloy siya sa mag-anak na nakaupo na sa malaking lamesa na naroon sa dining area. Naroon na rin si Gabriel pero ang mas nagpalaki ng mata niya, nang makita ang nakangiting si Enrique doon!
Nanginig bigla ang kalamnan niya. Ang number one celebrity crush niya! Ang lapit-lapit sa kanya!
"Hindi ba at si Enrique de Luca iyon? Ano ang ginagawa niya rito, Ate Sole?" nabubulol pa na tanong niya.
Kumunot naman ang noo na napatingin ito sa kanya. "Luh. Hindi mo alam na dito nakatira si Enrique de Luca? Ang tanga mo girl. Hindi mo ba alam na anak siya ni Donya Agatha? Isa siya sa mga paglilingkuran mo as personal maid tapos wala kang alam?"
Nanlaki ang mga mata niya. "Kung ganoon, magkapatid sila ni Sir Gabriel?" hindi makapaniwala pa rin na tanong niya.
"Mismo!"
Napasapo siya sa labi niya saka biglang napatili pero walang tunog. Napapadyak pa siya sa sahig sa sobrang saya.
"Sh*t! Dream come true! Alam mo ba na super idol ko si Enrique de Luca? Kumpleto ako ng mga albums niya at lahat ng movies at series niya, napanood ko na! Hindi ko alam na isa pala siya sa magiging amo ko! Hindi ako makapaniwala! Ang saya-saya ko!" kilig na kilig na sabi niya na niyuyugyog pa si Soledad.
"I know the feeling girl! Nagtititili rin ako noong unang araw ko rito. Sobrang idol ko rin siya 'no. Hindi na natin kailangang bumili ng concert ticket, araw-araw makikita natin siya rito!" sabi naman ni Soledad.
"At makakausap ko na siya. Pangarap ko lang dati na makita man lang siya, pagkatapos ngayon, makakasama ko pa siya. Sobrang saya ko!" sabi niya na halos maiyak sa saya.
Masaya na siya kanina na si Sir Gabriel ang magiging amo niya pagkatapos nadagdagan pa ng Enrique. Mukhang talagang hindi niya mararamdaman na magtatrabaho siya sa lugar na iyon. Para siyang nasa heaven.
"Ano'ng kausap? Hay naku, kapag narinig ka ni Manang Amanda, kukurutin no'n ang tinggil mo. Bawal kumausap at tumingin sa mga mata ng amo. Mga katulong tayo rito, iba ang mundo natin sa kanila. Hanggang tingin lang tayo dapat," sabi pa nito.
Parang bigla siyang nalungkot sa narinig. Maiintindihan niya kay Enrique pero parang kaibigan o kuya na ang tingin niya kay Sir Gabriel. Pati ba rito gano'n dapat ang maging trato niya? Parang hindi niya matanggap na bigla ay magkakaroon na ng gap sa kanila gayong nagagawa na nga niyang makipagbiruan dito especially kapag sabay silang nagbabantay sa ospital.
"Makuntento na lang tayo, Rio sa tingin lang. Mabubusog na rin naman tayo sa tingin dahil lahat silang tatlong magkakapatid, walang tapon, puro gwapo. Lalo na si Sir Leandro, jusko, kahit nakakatakot dahil palaging nakasimangot at nakasigaw, ang lakas ng dating. Grabe, sa kanilang tatlo, siya ang pinakacrush ko talaga! Kung si Sir Enrique may pagkaplayboy ang image at si Sir Gabriel naman, parang anghel kung tingnan, si Sir Leandro naman, bad boy type! Malalaglag talaga ang panty mo beh kapag nakita mo 'yun!" sabi pa ni Soledad.
Nacurious tuloy siya sa Leandro na sinasabi nito. Siguro nga gwapo rin dahil si Enrique at Gabriel, parang mga Diyos na sa kagwapuhan.
"Where the hell is that maid?!"
Natahimik ang lahat nang biglang may lalaking pumasok doon sa dining area. Nalagpasan sila nito sa paglalakad na hindi man lang sila napansin. Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi niya makita ang mukha nito.
"Leandro, why you look so mad? Can you please sit down first?" sabi ni Don Lucio.
"You want me to sit down when obviously, your wife is trying to trick me. Tinanggal nga niya ang maid na sumira ng damit ko pero pinalit naman niya ang anak nito! Gagawin pang personal maid ko? Pinaglololoko n'yo ba ako?!" galit na sabi nito.
Parang pamilyar sa kanya ang boses ng lalaki. Maging ang likod nito. Parang nakita na niya.
But wait, siya ba ang tinutukoy nito? Pinaalis na maid, ang nanay ba niya iyon? Pinalayas ang nanay niya, hindi pinagpapahinga pansamantala?
"Leandro, just calm down a little bit, okay? If you don't want her here, fine, paalisin ko na. Huwag ka lang magalit," sabi ni Donya Agatha.
"Where is she?! Iharap n'yo sa akin ang maid na 'yan! Right now!" muling pagsigaw ng lalaki.
Sa sobrang taas ng boses at arrive ng lalaki, kahit sina Don Lucio at Donya Agatha ay parang takot dito. Ano bang klaseng tao ito? Walang galang sa matatanda.
Napalingon sa kanya si Donya Agatha. Halos hindi sila magkumayaw sa pagtatago ni Soledad sa kurtinang naroon pero nahuli na silang naninilip doon kaya no choice na kung hindi ang lumabas.
"Rio, come here. Leandro wants to see you..."
Wala na siyang nagawa kung hindi ang magpakita na. Pero nanlaki ang mga mata niya nang lumingon ang lalaki ay ang baliw na lalaking nagnakaw sa kanya ng unang halik niya ang nakita niya!
Nanginig bigla ang buong katawan niya. Ito iyong lalaking pinagtataguan niya at dahilan kung bakit hindi na siya bumabalik sa 7/eleven kung saan sila unang nagkita noon. Dahil ayaw na niya itong makita. Ngayon ay anak pa pala ito ng amo niya. At kapatid ito nina Enrique at Gabriel?!
"Ikaw?!" Gulat na sambit nito. Parang hindi rin makapaniwala katulad niya na siya ang makikita nito.
- TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
Made for 3 (SPG) Obsession Series # 7 COMPLETED.
Romansa3 brothers, fell in love with one innocent girl. Makakaya bang tanggapin ng pride nila na umibig sa isang katulong? At kalahati pa ng edad nila!