EPILOGUE

3 0 0
                                    

DISCLAIMER:Don't take it seriously NAME, PLACES, EVENT, and DATE, are half reality and half writer's imagination.

This story will have an mature contents, like criminal/crime, sensitive words, bad words and etc.

#MY STORY

SAMRIEN POV.

Ako lang mag-isa sa bahay kaya naisipan ko nalang na pumunta ng Company. Sure rin naman ako na nandoon ang mga kaibigan ko.

"Sam!" tawag sa akin.

Lumingon ako, "Frion? Bakit?" nagtatakang tanong ko.Tumatakbo itong pumunta sa akin. Pawis na pawis rin.

"Nakita mo sila Caztel? Hindi ko sila makita, eh..." tanong niya. Hinihingal pa sa pagtakbo niya. "May sasabihin kasi ako kay..." hindi niya maituloy dahil hinihingal siya.

Bakit ba sa 'kin nila lagi hinahanap iyung mga taong iyon? Nung isang araw, si Farley ang nagtanong kung nakita ko si Micko. Kahapon si Pascy kay Azcey, ngayon si Frion?

Umiling ako. "Baka kasama sila Micko." sagot ko. "Tinanong mo na ba sila?" Umiling siya.

Ano ba kasi'ng kailangan niya sa taong iyon? Umalis rin siya after a minutes. Dumiretso naman ako sa office ng 'kaibigan' ko. Nakita ko siya, busy sa laptop niya at mukhang stress na.

Kumatok ako. "Hi?" tumingin siya sa 'kin.

Nang makita ako ay nagulat pa, "Sam?" ngumiti siya. "Come in. Why are you here?" tanong niya at lumapit.

"Wala lang." sagot ko.

Natawa naman siya. Anong nakakatawa du'n? Wala lang naman talaga, bored lang ako mag-isa sa bahay. Sinamaan ko siya ng tingin na lalo niyang kinatawa. Tsk.

"Be honest. Why are you here? Need something?" seryosong tanong niya.

Kulit.

"Wala nga lang." sagot ko ulit, irita na. "Boring sa bahay, eh. Ako lang mag-isa." ngumuso ako.

He patted my head and sit beside me. Nakaupo kasi ako sa sofa. I look at him. "Kawawa mo naman pala, 'no?" sabi niya, nang-aasar.

Inirapan ko siya.

"Baka busy ka? Nakaaabala yata ako sa 'yo, eh..." sabi ko nang makita ang mga papeles sa desk niya.

Umiling lang siya at ngumiti sa 'kin. Bumalik siya sa desk niya at niligpit ang mga papeles na nakakalat doon. Nagtaka naman ako kung bakit.

Tumingin siya sa 'kin. "What are you looking at? My handsome face?" he confidently asked.

Eh, 'di wow? Ang yabang! Oo, he's... good looking, pero ang yabang niya sa part na iyon.

Natawa siya sa reaksiyon ko. Nakakainis, kuhang-kuha niya talaga ang inis ko! This always happened, araw-araw at segu-sugundo na yata ako naiirita sa taong 'to!

Napatingin kami sa pinto nang may kumatok. I look at him and he just shrug at me like he's not expecting someone na pupunta rito.

"Yes? Come in." he coldly said.

Tignan mo'tong taong ito. 'Pag ako ang kausap, hindi cold, pero kapag iba, nagiging yelo bigla! Parehas kaming natigilan nang makita kung sino iyon. Bigla tuloy ako napatayo sa kinauupuan ko at mabilis na yumuko.

"Good morning po, Tito..." I greet.

Mukhang nagulat din siya na makita ako rito. Hindi kasi ako gaano pumupunta rito. Well, busy eh. I heard his frown.

YOU ARE MY SUNSHINE Where stories live. Discover now