Disclaimer:
This is a work of fiction. Names, character, businesses ,places,events and incidents are either the products of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
___________________________________________
Naglalakad ako sa hall way habang isa-isang tinitignan ang mga nagbubulungan at nagsisigawang mga estudyante.
"Mga tehh! Si Mikael paparating na! Sobrang hot niya!"
"Si Mikael ba 'yun? Yung guwapo sa Engineering Department?"
"Ay! Si Mikael nga! Yung dream boy ng buong campus pati narin nang puso ko"
"Pahead-lock ako!!"
"Sakin na siya! Ang hot niya!"
"Nauna ako mga, tehh. Akin siya!"
"Ang pogi naman ni Daddy Drew, grabe! Meron na kaya siyang girlfriend? Swerte naman ng girl."
Yan ang mga naririnig kung bulungan at sigawan ng mga students. Nang bigla akong may kinindatan na estudyante hindi ko alam ko sino yun,random lang bahala na sila mag isip.
"Hala para sakin ba yon? Omg ang bulate sa tiyan ko naging paru-paru na."
"Gaga sa akin yun! Ako lang naman maganda sa atin noh. "
"Ay teh! Ang assuming mo naman para ka ngang hipon"
"Ay nagsalita ang mukhang hito, HAHHAHA"
Yan ang mga narinig kung salita galing sa mga rainbow group.
Ako nga pala si Mikael Drew Lopez. Ang Darling of the crowd ng Everest State University.
Kahit nakakairita ang mga sinasabi nila, dene-dedma ko nalang. Dahil palagi na lang ganyan kapag dumadaan ako. Hindi naman sa pagmamayabang. Wala bang ibang mas maganda pa sa mga sinasabi nila? Yung mga salitang makapagpapakilig sakin hindi yung pinupuri lang ako.
"Mikael!" tawag sakin ng isang lalaki. Hindi naman pamilyar ang kaniyang boses kaya hindi ko na binigyang pansin. Malamang ay isa lang din siya sa mga humahanga sa akin. Dire-diretso akong naglakakd hanggang sa........
PAAAKKKK!!!
Napahawak ako sa natamang parte ng aking katawan. At ang sakit! Shit! Siguro mamumula nanaman ito. Galit akong humarap sa taong bumato sakin.
"Potangi..... " Naputol ang sasabihin ko ng makita ang taong bumato sakin, Actually hindi ko siya kilala sa pangalan, pero sa mukha, OO , dahil ilang beses ko siyang nahuli na sumusunod sa akin. Kahit hindi naman kami ka same ng department.
"Please don't leave me,kaaeeeelllll" napataas ang kilay ko ng sabihin niya iyon.
"What? What the hell are you saying,Mr.?" Sigaw ko sa kanya.
"Mr.? Yan ba ang tawag mo sa mahal mo? Please don't leave me." napaligiran na kami ng mga tao. Nakakahiya! Nakakapotangina! Ano ba kasing sinasabi ng baliw na bakla na to!
Nagbubulungan na ang mga tao, BWESET na lalaking to!. malamang bagong isyu nanaman ito at siguradong mamaya headline nanaman ako nito. Kung alam niyo lang ang mga estudyante dito kung ano ang maririnig at makikita ay pinapalawak agad.Nakakabweset! Ano ba kasing pinagsasabi ng baklang to? Nakakainis!
"Stop acting like you're my.....boyfriend? I don't know who you are! At higit sa lahat ay wala akong kasintahan! Papalagpasin ko ang pagbato mo sakin ng water bottle dahil hindi ako pumapatol sa walang kalaban-laban.But please stop this mess Mr. ! You heard me loud and clear, right? STOP THIS FUCKNG MESS! " sigaw ko sa kanya at saka tumalikod na ako at diretso uling naglakad na akala mo'y walang nangyari. Papalagpasin ko ito dahil wala akong ganang makipaglaban.
YOU ARE READING
Seven Days With Him
Short StoryTatagal kaya si Mikael Drew ng pitong araw na kasama ang isang taong hindi niya masyadong kilala? Pagkatapos kaya ng pitong araw ay may mabubuong pag-ibig?