Over the bakod

10 0 0
                                    

" Good Bye and thank you, Sir Manny."

Labasan naa!! Agad kong inayos ang mga gamit ko sa bag at nakipag unahan sa mga kaklase kong papalabas na.

" Ang bagal mo talaga kahit kailan." bungad saakin ng isang kaulasulasok na halimaw na nakasandal sa pader sa labas ng room.

" Bakit ba? Boyfriend ba kita?"

"Why not kung like mo" sabi ni Poy sabay kindat saakin

" Mangilabot ka nga sa sarili mo!Teka gano ka na bang nakatambay diyan? "

" Kanina pa. Tara na."
"Teka, di ba nga sabi ko sa'yo ayokong sumama?" sabi ko sakanya at nilagpasan siya.

" Wala ka nang magagawa , Dere! Nandito na ako kaya wala ng urungan!" hinabol ako ni Popoy at inakbayan.

" Ang kulit din ng lahi mo noh?"

" Syempre, mana sa'yo."

" Pwede ba? Nakaka--"

" Ano ba kasing kinakatakot mo? Di naman nangangain yung mga freshmen ah?"

" Eh bakit kasi ako? Bakit hindi si Peds--"

" Alam mo namang puro laro ang nasa utak nun."

" Eh si Just?"

" May duty sa gang niya. At wag mo nang sabihing si Hugo. Alam mo naman kung bakit wala na siya sa options ko."

" Ayos ah. No choice ka na pala."

" Tumpak."

Takte. Ang straight forward din ng baliw na to eh.

Pumunta kami sa kabilang building kung saan nagkaklase ang freshmen ant sophomores. Magkahiwalay kasi ang building nila sa building naming mga seniors at juniors. Pumwesto kami sa stone bench malapit sa water fountain. Pa-U kasi ung yung building, so dalawa lang ang pwedeng labasan, exept kung mag cro-cross ka sa feild sa harap ng building. 

Pag ka upo namin sa banches, saktong papalabas na ang mga freshmen.

" Just in time." sabi ni Popoy at nagsmirk sa mga papalabas na mga estudyante.

Sa totoo lang, wala talaga akong pakielam sa mga freshmen. Pero may isang freshman ang nakapukaw sa aking pansin. (Wow. Lalim.) Ewan ko kung bakit, pero baka dahil stand out yung buhok niya sa lahat. Kulay brown na may bangs at kulot ang dulo ng buhok niya. Mukha siyang barbie doll sa totoo lang.

"Oh, baka matunaw."

Natauhan ako nung sinabi yon ni Popoy. Lumagpas na saamin yung grupo ng walking barbie doll.

Yeah, walking barbie doll.

" Naks naman Dere! May chicks ka na!" sabi ni Popoy sabay palo sa likod ko.

" Tsk. Ewan ko sa'yo!"

Nilayasan ko siya at bumalik sa building namin.

" Uy! Grabe to!" Habol saakin ni Popoy at inakbayan nanaman ako.

" Ano ba, Popoy! Kanina ka pa akbay ng akbay ahh! Nababakla ka na ba?" sabi ko at  inalis ang pagkaka-akbay niya saakin.

" Gago! Kung mababading man ako, hindi sa'yo!"

" So may posibilidad nga na bading ka--"

" PWEDE BA!? WAG MO IBAHIN ANG USAPAN?!" Iritang sigaw saakin ni Popoy. 

Napatigil ako at " Grabe, pikon? Binibiro lang kita."

Sinuklay ni Popoy ang buhok niya gamit ang kamay niya.

" Oo na. "

Tumahimik siya ng ilang saglit at  bigla bigla akong siniko sa tadyang ko.

" Aray! Para san yun?"

" May type ka na dun sa mga freshmen noh?" Sabi niya nang nakangiting nang-aasar

Nagkibit balikat lang ako at tuloy-tuloy na naglakad papunta sa building namin.

" Di bale, Dere. Tutulungan kita sa chicks na yun."

Tiningnan ko siya. 

" Weh? Maniwala ako sa'yo."

" Oo ngaa! Pag nakakuha ako ng chicks sa freshmen, tutulungan kitag makascore dun sa type mo."

Ako? Tutulungan ni Popoy makilala si Barbie? Hmmm..

" Peksman ah?"

"Peksman."







Kilabot Ng Bayan (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon