Sa kadiliman ng gabi
Matinding damdamin ang namamayani
Damdaming gulong-gulo
Hirap intindihin ang mundo
Mundong puno ng takot at pangamba
Na baka bukas ay hindi na makita pa
Pagod sa lahat ng problema
Hindi na alam kung paano pa magsisimula
Tila kadiliman na nga talaga
Ang bumabalot sa aking sistema
Nais kong humingi ng tulong
Subalit walang salitang lumalabas sa aking bibig
BINABASA MO ANG
Talaan ng mga Tula
PuisiNais kong maging malaya sa aking mga tula Iba't ibang klase ng damdamin ang nais kong iparating Nawa'y inyo sanang basahin Ang mga katagang nais kong sabihin