May mga araw na okay naman
Subalit mas madalas ang mga araw na hindi ko na makayanan
Para akong sirang plakang patuloy pa ring bumabalik sa nakaraan
Ilang beses mang sumubok na ito'y makalimutan
Ang hirap mo paring bitawan
Sapagkat sa mundong aking ginagalawan
Sayo na lamang ako humuhugot ng lakas para lumaban
BINABASA MO ANG
Talaan ng mga Tula
PoetryNais kong maging malaya sa aking mga tula Iba't ibang klase ng damdamin ang nais kong iparating Nawa'y inyo sanang basahin Ang mga katagang nais kong sabihin