4

2 0 0
                                    


Tila kahapon lamang
Ang mga sandaling ika'y akin pang nahahagkan
Tila kahapon lamang
Ang mga alaala mong sariwa pa sa aking isipan
Subalit anim na taon na pala
Noong ika'y sa amin ay mawala
Anim na taon na pala
Ang aking nararamdamang pangungulila
Wala akong ibang hiling
Kung hindi ang mayakap kang muli
Wala na akong ibang nais pa
Kung hindi ang ika'y  makita kahit sandali
Kaya sana ako'y iyong mapagbigyan
Na ikaw ay aking mapanaginipan
Sapagkat ako'y nananabik na ikaw ay aking masilayan
Makakwentuhan at mayakap man lamang kahit sa panaginip lang

Talaan ng mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon